Judy Ann, may trauma sa snow!
Inamin ni Judy Ann Santos na may trauma siya sa snow.
“Takot ako sa lamig,” aniya kahapon sa presscon ng comeback movie niyang The Diary of Mrs. Winters.
“Tinanong ako ni Sam (Milby) nung look test namin. Do you like cold, no. Do you like snow, no. Why did you accept this? Exactly. Parang more than anything, I prayed for a project that will help me face my fears,” paliwanag pa ng actress kahapon sa ginanap na media conference.
“I’ll be turning 45 this year and I think it’s the perfect time for me to face my fear of heavy snow and may matindi akong trauma sa snow and siguro para sa iba, napakababaw nu’ng rason na ano ba naman, ‘yun lang ang rason, napakababaw, sa snow, natatakot?”
At doon na niya kinwento kung paano ‘yun nag-umpisa. “Nu’ng bata kasi ako, nu’ng nasa Toronto ako with my mom, ang feeling ko talaga, wala na akong tenga. After that, I was 14 years old since then ayaw ko nang maka-experience ng snow. But then again our children, gustung-gusto nilang maka-experience ng snow. So, I want to, gusto kong ma-surpass ‘yung takot na ‘yon para ma-enjoy namin as family pag nagka-chance na makakita kami ng snow with them, ma-enjoy namin pare-pareho and at the same time, si Ryan (Agoncillo), ano kasi siya, eh, ‘pag may fear siya of something, ano ‘yan, eh, head first,” kuwento pa ni Juday na mas na-enjoy na ang pag-aalaga sa pamilya kesa gumawa ng pelikula at teleserye.
Pagpapatuloy niya : “Tatalunin niya talaga. Takot siya sa deep water, nag-diving siya. Takot siya sa trail biking, nagma-mountain biking siya. So na-inspire ako doon na parang pwede palang ganu’n, gawin mo siyang hobby and you face your fear and, you know, you get something out of it.
“So, before I turn 45, parang I want to, with this perfect project, parang napakatanga ko naman kung ‘eto na ‘yung dasal, sinagot na, hihindian ko pa ba?” mahaba pa niyang paliwanag.
“Meron akong mga tao na ibinigay ni Lord sa akin to be comfortable with working in Canada, it’s something na these people will help me conquer my fear and at the same time make me do my work as an actress na sapat at tama. So, para sa akin, that’s more than enough reason to enjoy this film even if takot na takot ako sa... ayaw ko munang isipin... kasi ‘pag iniisip ko siya, literal na nilalamig ako,” sabay hawak niya sa suot niyang white sweater.
Matagal naging OFW sa Canada ang mommy Carol niya.
Samantala, matagal ding napahinga sa pelikula ang actress.
Ang pelikulang Mindanao ang huling ginawa niya.
Leading man niya sa The Diary of Mrs. Winters si Sam na isang horror-drama thriller film.
Isang dekada na ang nakalipas nang huling magkatrabaho sina Judy Ann at Sam, sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, at ang bago nilang pelikula ang tinuturing nilang comeback sa big screen at ito rin ang unang horror film ni Sam.
Isa ring comeback para sa box-office director ng mga horror film, Rahyan Carlos, kilalang director, scriptwriter, at tanging accredited teacher ng Chubbuck Technique dito sa Pilipinas.
The Diary of Mrs. Winters ay sinulat ng National Artist for Film at Broadcast na si Ricky Lee kasama si Direk Rahyan. Ito rin ang unang pagkakataon na makatrabaho ni Direk Rahyan si Judy Ann at pangako ng batikang direktor na isang kakaibang dramatic cinema experience ang movie na siguradong magugustuhan daw ng lahat.
Produced ng AMP Studios Canada at Happy Karga Films, ito ay kukunan sa Canada at sa Pilipinas. “When I first started HappyKarga Films with my business partner, Joy Tarce, we knew that we would bank on talents and collaboration both from other film outfits and from the artists. And we couldn’t be more grateful to have found a likeminded individual such as Rechelle Everden of AMP Studios Canada who also believes in the cutting-edge Filipino talent in terms of bringing stories into the big screen,” sabi pa ni Direk Rahyan.
Ang The Diary of Mrs. Winters ay tungkol sa isang Pinay bio-forensic assistant cleaner sa Canada na si Charity at gagampanan ni Judy Ann, na sinumpa matapos itago ang diary ng isang matandang babae na nag-commit ng suicide.
Maraming kamalasan ang nangyari sa kanya kabilang ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay at ipaglalaban ang kanyang true love, na si Victor na gagampanan ni Sam.
The Diary of Mrs. Winters ay ipapalabas sa 3rd quarter ng 2023 dito sa Pilipinas at abroad.
- Latest