Lady guard ng naia, pinasisibak?!

Hindi pa rin napapanatag ang fans ng sikat na K-pop group na Enhypen sa insidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport.

Galit na galit ang fans na tinatawag nilang Engene sa ipinakitang unprofessionalism ng lady guard sa mga pagkapkap sa mga miyembro ng Enhypen bago sila pumasok ng departure area.

Pati ang palihim na pagkuha sa Enhypen sa Immigration ay kumalat na lalong ikinagalit ng fans.

Kaya hanggang kahapon ay nag-trending pa rin ito at nagdi-demand ang Engenes na dapat daw sibakin ang lady guard na nagkapkap sa miyembro ng Enhypen.

Naglabas ng official statement ang Office for Transportation Security (OTS) nung nakaraang Lunes kaugnay sa isyung iyun.

Aniya: “It has come to the attention of the Office for Transportation Security (OTS) that there is a video circulating on social media, showing that airport Security Screening Officers allegedly exhibited unprofessional behavior and the unwarranted filming during the conduct of security screening procedures on a group of departing Korean artists at the Ninoy Aquino International Airport.

“The management is currently investigating the matter to determine the extent of violation committed based on existing rules and security screening protocols if any, and impose appropriate administrative sanctions, should it necessary.

“While we understand the excitement brought about by the presence of these Korean artists, we remind not only our personnel, but all airport users, that unauthorized filming at our security screening checkpoints is not allowed as a matter of policy.

“Rest assured that the OTS shall never tolerate any unprofessional behavior towards the riding public.”

Kahapon ay in-interview ang taga-OTS, ang Administrator ng Office of Transport Security na si Usec. Ma. O Ranada Aplasca ng ilang programa.

Napanood namin ang interview sa kanya nina Ali Sotto at Pat-P Daza ng ASPN sa Net 25, at humingi siya ng paumanhin lalo na sa Engenes na nagalit sa ginawa sa naturang K-pop group.

Base sa kumalat na video, hindi naman nagpaka-fangirling ang lady guard na ‘yun, kundi nag-power trip siyang hipuan ang katawan ng Enhypen.

Pinatawag na raw nila ang lady guard at ang security head at ilang staff na nag-duty sa oras na ‘yun dahil patuloy nilang iniimbestigahan ang insidenteng ‘yun.

Lihim ni David, nadiskubre ni Boy

Nagpalit ng timeslot ang Fast Talk With Boy Abunda at Underage nung Lunes, na parang hindi yata nagustuhan ng viewers.

Dalawang linggo pa lang kasing namamayagpag sa ere ang FTWBA at maganda ang rating, biglang pinag-switch sila ng Underage na hindi gaanong umaarya ang rating.

Tuluy-tuloy nang mapapanood ang mga afternoon drama na sinimulan ng Abot Kamay na Pangarap at ang Unica Hija, at pangatlo na ang Underage.

Nagdagdag ng ilang minuto ang Fast Talk ni Kuya Boy, pero medyo bumaba ang rating nito nung Lunes na naka-5.8 percent lamang.

Ang Underage na nasa dating timeslot ng Fast Talk ay 6 percent.

Sina Barbie Forteza at David Licauco ng Maria Clara at Ibarra ang nasalang nung Lunes at nagulat si David na alam na alam ni Kuya Boy ang lovelife niya.

Tahimik lang kasi si David lalo na pagdating sa kanyang personal na isyu, kaya walang nakaalam na meron siyang matagal nang girlfriend, pero nag-break na sila at single na ngayon ang tsinitong aktor.

Mas na-prioritize ni David ang showbiz career, kaya nasakripisyo ang lovelife.

Pero gulat na gulat siyang alam ito ni Kuya Boy at kilala ‘yung dating non-showbiz girlfriend. “Mas gusto kong career muna. Siya kasi nasa stage na siya ng… hindi ko ma-gets bakit mo alam. Wala naman akong sinabihan,” bulalas ni David.

 

Show comments