Coco, ramdam ang pagkakawatak-watak ng showbiz
Hindi na aktibo sa paggamit ng social media si Coco Martin. Kailangan umanong limitahan ang paggamit nito dahil sa mga masasakit at mapanirang mga salitang ibinabato ng netizens sa mga artista. “Kasi mahirap lalo kaming artista, tao kami, nagkukulang. Lalo na ngayon, actually masakit nga para sa akin, ang hinahanap nila ‘yung mga mali. ‘Yung mga pangit which is masakit. Pare-pareho lang naman tayong naghahanap-buhay eh. Dapat nga tayu-tayo ang nagtutulungan eh. Nasasaktan ako kapag nakakakita ako ng mga artistang napagsasalitaan or napagbubutungan ng di maganda,” paliwanag ni Coco.
Nagpasyang bumitaw ang aktor sa social media noong kasagsagan ng pandemya sa bansa. Ayon kay Coco ay nakalulungkot dahil ramdam niya ang pagkakawatak-watak ng entertainment industry. “May mga times na bumitaw na ako sa social media lalo na no’ng pandemic. Lalo na aaminin ko rin noong nangyari sa ABS-CBN. Ang gulo-gulo ng lahat nag-aaway-away, nagsisiraan. Parang ang hirap tanggapin na tayu-tayo rin ang magkakasama sa hanapbuhay, tapos tayo rin ang nagsisiraan, para tayong nagwatak-watak,” pagtatapat niya.
Mas pinili ni Coco ang tahimik na buhay kaya umiwas sa social media. Hindi rin daw napag-uusapan sa bahay ng aktor ang tungkol sa trabaho. “Nag-decide ako sa sarili ko na parang mas magiging simple at tahimik ang buhay ko. Bumitaw talaga ako sa social media. Kaya ngayon, kung nagkakaroon man ako ng… (update) tuwing nai-interview lang ako.
Pero pagdating da bahay, wala na, zero. Kahit Instagram ko, lahat hindi na active. Pinakamahalaga sa buhay ngayon is peace of mind and privacy. Ang sakit kapag may naririnig kang hindi maganda sa iba, kapag may naririnig kang hindi maganda sa pamilya mo. Kaya hangga’t maaari bakit ko hahayaan na masaktan ako or ang pamilya ko. Kaya mas gusto ko na tahimik na lang,” pagtatapos ng aktor.
Bela, natulungan ng simpleng pamumuhay sa London
Bukod sa pagiging aktres ay aktibo rin si Bela Padilla sa paggawa ng pelikula bilang scriptwriter at direktor. Matatandaang umalis ang aktres sa bansa noong isang taon upang sa London na muna manirahan.
Ayon sa dalaga ay kinailangan niya itong gawin para na rin sa ikabubuti ng trabaho. “I really wanted to live my life. I feel like I dedicated my last 15 years of my life trying, shooting. Parang siguro because I kept living my characters’ lives for the last few years. I felt like I haven’t lived my life. Parang I dedicated my life too much to my characters, my films. Alam n’yo naman ‘pag gumagawa ako ng movie, kung artista ako sa isang project, hindi naman po do’n lang ako sa shooting days involved, pati marketing. Minsan, I asked what I can do so I am very involved with my project,” paliwanag ni Bela.
Malaki umano ang naitutulong sa aktres ng kanyang simpleng pamumuhay sa London para mas maging maayos ang trabahong ginagawa. “Super ang dami ko nasusulat dito. Feeling ko my head cleared also when I left. Parang nagkaroon ako ng space to think. Most of my days here are very simple. I have a favorite bakery that I go to. I have a new bike that I am excited about. I am living my life slowly and I like that. Give yourself time, allow yourself to breathe and really to experience life the best ways you can or the way you can do it,” pagbabahagi ng dalaga. Reports from JCC
- Latest