Pinarangalan si SM Foundation’s Executive Director for Health and Medical Programs Connie Angeles ng prestihiyosong Ading Fernando Lifetime Achievement Award sa ginanap na 35th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television sa Winford Manila Resort and Casino noong Jan. 28, 2023.
Ibinibigay ng PMPC ang honorary star award for television para kilalanin ang long-time television personalities para sa kanilang lifetime achievements sa industriya.
Sumikat si Angeles sa kanyang karakter sa Trudis Liit at Eskwelahang Munti noong 1963. Isa rin siya sa naging hosts ng Kapwa Ko, Mahal Ko, ang longest-running public service program sa bansa.
Nagsimula siyang maglingkod sa SM Foundation noong 2001 at pinangunahan ang health and wellness programs nito.
Matapos ang isang taon sa foundation, ni-renovate ng grupo niya ang kauna-unahang Felicidad Sy Pediatric Ward sa East Avenue Medical Center upang itaguyod ang layuning baguhin ang pananaw ng mga tao sa health facilities.
Mahigit 170 health and wellness centers at mahigit isang milyong pasyente na ang napaglingkuran ng SM Foundation sa medical missions sa pangunguna niya.
Polymerase, mapapakinggan din sa Europe
May bagong single ang bandang Polymerase na pinamagatang Evil Hand na mula sa kanilang album na Dreams and Realities Part 1 and 2.
Ang Part 1 ng naturang album ay lumabas na last Feb. 3 sa Electric Talon sa America, at Prince of the Arrow Records and distributed by Bear’s Den Records dito sa Pilipinas. Ito naman ay lalabas sa Europe next month.
Ang Evil hand ay representation ng negative emotions at kagustuhan ng mga tao na kailangang lagpasan para magkaroon ng peaceful life.
Maaari itong mapanood sa Facebook page ng Polymerase na: wwww.Facebook.com/polymerasepilipinas
Ang album na ito ay prinoduce ni Vincent Jose at Polymerase. Binubuo ang grupo nina Vincent Jose (guitars), Vox. Eugene Castro (drums), Bobby Legaspi (guitars/ bass) and Allan Paul Galiga (session bassist).