^

PSN Showbiz

Sunshine, may banta kay Cesar!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, may banta kay Cesar!
Sunshine Cruz

Hindi idinetalye ni Sunshine Cruz ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Macky Mathay nang nakapanayam siya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda nung nakaraang Huwebes.

Pero parang may ibig sabihin sa amin ang sagot niya sa tanong ni Kuya Boy kung may third party sa hiwalayan nila. “Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol diyan.”

Hindi na siya inurirat pa ni Kuya Boy.

Pero maganda ang mga sinabi ni Sunshine, lalo na pagdating kay Cesar Montano at sa kasaluku­yang karelasyon nitong si Kath Angeles.

Masaya si Sunshine dahil nakikita niya ang mga anak niyang masaya sa setup nilang magkakasundo na. “I am very very happy na okay. Ang sabi ko nga kay Cesar, magpakabait ka na kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka, kasi kung hindi, makakaaway mo kaming lahat ng mga anak ko.

“So, I am very happy sa relationship that I have with all of them,’’ pahayag ni Sunshine.

Sa ngayon ay hindi na raw siya nagmamadali.

Masaya na siya sa kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak, at pagdating sa trabaho, wala siyang mahihiling pa dahil tuluy-tuloy naman.

Nasa Panginoon naman ang desisyon kung meron pa bang lalaking makakasama niya sa kanyang buhay.

“Kung ano man ‘yun, hihintayin ko. Kung may dumating, okay lang. Ang importante nandiyan ang mga anak ko, mahal ako, mahal ako ng mga anak ko.”

Bahagi si Sunshine sa afternoon drama ng GMA 7 na Underage, pagkatapos ng Fast Talk With Boy Abunda.

Catriona, iniisip na ang kasal nila ni Sam

Masaya rin ang mukha ni Catriona Gray nang makatsikahan siya sa nakaraang event ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

Si Catriona ang Art Ambassador mula nung 2020 at naging bahagi siya sa pagdiriwang ng NCCA sa National Arts Month ngayong Pebrero.

Sa mediacon nito nung nakaraang Miyerkules, tinanong siya roon tungkol sa kanila ni Sam Milby na napag-usapang nagpakasal na raw sila ni Sam. “Medyo nagulat ako kasi nakita ko ‘yung mga article na married na ako daw,” pakli ng Miss Universe 2018.

“But I guess there’ll always be rumors naman,” dagdag niyang pahayag.

Pero napapag-usapan na raw nila ng singer/actor ang kasal. Hindi pa lang nga detalyado. “Oo naman. I think we’ve been together for long enough that we got to talk about it,” napapangiting sagot ni Catriona.

Sunshine Dizon, walang pinirmahang kontrata sa GMA

Nilinaw ng manager ni Sunshine Dizon na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc. na luma ‘yung kumalat na picture na contract signing ng aktres sa GMA 7 kasama sina Atty. Felipe L. Gozon at Ma’am Lilybeth G. Rasonable.

May mga nag-react kasi sa caption na two years at worth P100M ang pinirmahang kontrata.

Sabi ni Perry, dati pa raw na kuha ‘yun.

Nilinaw rin sa amin ng Senior Vice President ng GMA 7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes na lately ay walang event ng contract signing.

Welcome naman daw si Sunshine sa GMA 7 kung gusto niyang bumalik anytime dahil freelancer naman siya. “She’s a very good actress and she has already proven herself to be effective in any role given to her,” text sa amin ni Ma’am Annette.

Sabi naman ni Perry, maayos na umalis si Sunshine noon sa GMA 7 at wala raw silang na-burn na bridges. Kaya welcome ang aktres na maging Kapuso uli.

Bahagi si Sunshine sa isang drama series ng GMA 7 na Mga Lihim ni Urduja na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with