Itinanggi ni Sen. Lito Lapid na nakainteres sa pulitika si Coco Martin.
Ito ang unang pagkakataon na sinagot ng senador na nakilala ring Pinuno sa FPJ’s Ang Probinsyano na nakumbinsi niya ang aktor last election na kumandidatong senador. Ang ingay noon ng usapan tungkol dito. Ang rumor kasi noon ay si Sen. Lapid ang naghikayat kay Coco na opisyal na ipinakilala ng RiteMed bilang bagong brand ambassador sa pamamagitan ng pinakabagong TV commercial (TVC) ng leading pharmaceutical brand sa bansa, na sumabak din sa pulitika.
Pero naawat daw noon ang aktor ayon sa usap-usapan.
For the first time nga ay itinanggi ng senador ang naturang kontrobersiya.
Samantala, nauna nang tinanggap ni Coco ang hamon na ipagpatuloy ang adbokasiya ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na bigyan ng kapangyarihan ang masa sa pagpili ng dekalidad ngunit abot-kayang mga gamot.
Kapansin-pansin na sinimulan ni Coco ang nasabing TVC sa pamamagitan ng linyang: “Ang sabi ng lola ko, ‘wag mahihiyang magtanong...at hanapin ang check.” Ito ay bilang pagbibigay pugay kay Ms. Susan at pagpapaalala na rin sa kulturang Pilipino na pakikinig sa mga payo ng mga nakakatandang mahal sa buhay.
Markado sa mga Pilipino ang asawa ng yumaong si Fernando Poe Jr. (FPJ), ang Hari ng Pelikulang Pilipino, sa kanyang mga sikat na linya sa mga patalastas sa TV at radyo, maging sa billboards, na nagtataguyod ng mga abot-kayang gamot tulad ng “Bawal ang Mahal” at “Huwag Mahihiyang Magtanong.”
Pumanaw si Ms. Roces noong Mayo 2022.
At mula pala noon, nagsagawa ng mahaba at masusing proseso ng pagpili ang RiteMed para mahanap ang “The Rite One” na papalit sa yumaong aktres.
In all fairness kay Coco, naging bayani siya ng masa dahil sa kanyang papel sa FPJ’s Ang Probinsyano, na marahil ay isa sa pinakamatagal na soap opera sa kasaysayan ng Philippine TV, ang lumabas bilang hands-down choice.
Iminungkahi pa pala ng aktor-direktor ang paggamit ng mga lumang taglines ni Ms. Susan para ipagpatuloy ang paghihikayat sa mga tao na gamitin ang kanilang karapatang magtanong. “Una, para hindi tayo magkamali. Pangalawa ang mga Pilipino po ay likas na mahiyain; tinuturuan tayo na may alternatibo. ‘Pag naiisip natin na ‘mahal ‘yan’, tinuturo sa atin ng RiteMed na may alternatibo na mas mura. Maraming maraming salamat po sa pagtitiwala. Napakalaking obligasyon po itong ipinasa po sa akin,” ani Coco sa kanyang speech noong contract signing.
“Nakwento ko nga po na kapag dumadaan ako sa Quiapo at ‘pag nakikita ko ‘yung overpass doon, ang laki-laki ng billboard ni Tita Susan. Pumasok sa isip ko, ‘sino kaya ngayon ang papalit kay Tita Susan?’ kasi iba po talaga. Alam na alam ko po kung anong klaseng tao si Tita Susan. Hindi po siya basta basta nagtitiwala sa mga produkto na hindi niya pa nasusubukan dahil ayaw niyang masira ang kanyang pangalan,” dagdag niya.
“Sobrang laki po ng naging impact. Kasi si Tita Susan, silang mag-asawa ni FPJ, parang sila ‘yung simbolo ng bawat Pilipino eh, na kapag may sinabi sila o may ginawa, lahat nakikinig. Napakalaking impluwensya nila sa mga Pilipino, kaya ingat na ingat si Tita Susan talaga sa mga paggawa niya ng mga proyekto at kung ano man ang mga ineendorso niya,” pagbibigay-diin ng aktor-direktor sa naiwang legacy ni Ms. Susan at kung paano siya naging boses pagdating sa abot-kayang pangangalaga sa kalusugan.
Ayon kay Atty. Jose Maria A. Ochave, presidente ng RiteMed, “Labing isang taon na ang nakakaraan nang makuha namin bilang brand ambassador si Ms. Susan and it was one of the best decisions that we’ve made. Hindi lang siya naging mukha at boses kung hindi co-creator pa ng aming brand. ‘Yung lighter tone ng Huwag Mahihiyang Magtanong’ ay kanyang idea.”
“Ang RiteMed ay nailunsad noon matapos ang hiling ng ating gobyerno. Akala kasi ng mga tao ay sub-standard ang mga generics. Ginusto naming pataasin ang antas ng mga generics. Parang pangalan iyan. Mahirap magtiwala sa hindi mo kilala, sabi nga ni Ms Susan,” dagdag pa ni Atty. Ochave.”
Sinabi naman ni RiteMed General Manager Vince Guerrero na taglay ni Coco ang mga katangiang hinahanap nila sa isang brand ambassador.