Inilunsad na ng ABS-CBN ang MYX Radio, MOR Entertainment (MORe), at TeleRadyo sa nangungunang digital radio platform sa Malaysia, ang SYOK ng Astro Radio.
May 24/7 radio streaming sa MYX Radio tampok ang fresh music mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Napapakinggan din dito ang iba’t ibang programa at podcasts.
Bukod sa musika, hatid din ng MORe ang mga talk show na magpapasaya sa mga makikinig.
Naghahatid ng local at international updates mula umaga hanggang gabi ang bilingual news channel na TeleRadyo tampok ang mga anchor na may hatid na nagbabagang balita, good vibes, at serbisyo publiko.
Ang Astro Radio ang no.1 radio network sa Malaysia at ito ang nagbibigay access sa SYOK na isang multi-lingual digital lifestyle at entertainment platform na mayroong 100 online radio stations, music, podcasts at iba pa.
“ABS-CBN’s premium content and world-class talents have captured the hearts of Malaysians for years. In fact, the Malaysian adaptation of ‘Tayong Dalawa’ titled ‘Angkara Cinta’ ended its run as the most watched show on Astro Prima Channel at the height of the pandemic,” sabi ni ABS-CBN Global managing director for Asia Pacific Maribel Hernaez.
Dagdag niya, “With this partnership with Astro Radio, we hope to reach both Malaysians and Filipinos based in the country through music and news anytime, anywhere.”
Ayon naman kay Kenny Ong, CEO ng Astro Radio at Rocketfuel Entertainment: “We are excited to welcome MYX Radio, MORe and TeleRadyo on board SYOK as we partner with ABS-CBN. As we continue to widen our reach to more diverse listener groups, we hope all users enjoy their experience on SYOK and the extensive range of music, information and podcasts available locally and abroad.”