Niña taduran, mabilis ang aksyon

Niña Taduran

Ang bait talaga ni Niña Taduran. May classmate ako sa dialysis na humingi ng tulong dahil kailangang operahan dahil sa heart condition niya aside from nagda-dialysis siya.

Humingi ako ng tulong kay former Cong. Niña na ngayong ay DSWD Usec. at agad siyang nagbigay ng action.

Ipinasok agad sa DSWD ang problema. ‘Yung agad may sagot at magbibigay ng lakas ng loob sa humihingi ng tulong. ‘Yung hindi siya tumanggi na tumulong, malaking bagay na iyon.

Ayoko talagang mang-abala kahit kanino, pero talagang kung minsan kahit hindi para sa iyo ang gagawin mo dahil nga maaawa ka namang walang gawin para makatulong.

Talagang kahit hindi pa ako ang tulungan ni Niña, malaking utang na loob ko nang tatana­win ang ginawa niya para sa classmate ko sa dialysis.

Alam ko kung gaano ka-desperate kung minsan ‘yung humihingi ka ng tulong at wala man lang tumutulong sa iyo. Just the mere fact na ito, handa akong tumulong sa iyo malaking bagay na.

Anne, binagayan ng bagong hairdo

Bagay na bagay kay Anne Curtis ang short hairdo niya.

Ganyan dapat ang artista, paiba-iba ang look. Hindi ‘yung umpisa hanggang malaos iisa lang ang nakita mong hairdo nito. Iyon bang takot na baka hindi bumagay sa kanya at makita ang hindi niya magandang anggulo.

Dapat experimental at bold ang isang star pagdating sa fashion, kaya naman good model at endorser si Anne dahil daring siya, at talagang maniniwala ka na ginagamit niya ang product na siya ang endorser.

‘Yung iba kasi, parang hindi naman totoo na ginagamit nila dahil nga mayabang na nagsasabi pa na imported products ang gamit nila. Si Anne matagal nang favorite ng advertising companies dahil very pleasant katrabaho at very professional.

Saka iyon nga, daring sa anumang pagbabago sa kanyang looks. Go go Anne.

Show comments