^

PSN Showbiz

Lani Mercado, napupuyat sa panonood ng Korean dramas!; Sen. Bong tuloy ang kampanya sa proteksyon ng media workers!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lani Mercado, napupuyat sa panonood ng Korean dramas!; Sen. Bong tuloy ang kampanya sa proteksyon ng media workers!
Lani Mercado at Bong Revilla

Naadik din pala sa Korean dramas si Representative Lani Mercado.

Mismong si Sen. Bong Revilla ang nagbuking na madalas napupuyat ng kanyang misis dahil sa K-dramas.

Pero walang particular na favorite si Rep. Lani, basta maganda raw, pinapanood niya.

At nadadamay ang senador sa misis dahil sa panonood nito.

Hanggang anong oras siya nanonood, tanong namin, sa birthday blowout ng mag-asawa sa kaibigang Gorgy Rula, the other night.

“Minsan mga hanggang 2:00 a.m.,” sabay ngiti ng dating actress na handa na ulit tumanggap ng trabaho in case na may magandang offer.

“Kaya nga napupuyat din ako. Kasi minsan nanonood na rin ako,” dagdag ni Sen. Bong na malamang na may gawing teleserye this year.

Anyway, hiniling ngayon ni Sen. Bong na maipasa na ang panukalang batas na naglalayong ayusin ang kapakanan ng mga field reporter, news writer, cameramen, photographer at iba pang media at entertainment worker sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng higit na proteksyon at institutionalized social security benefits.

“The Constitution guarantees the freedom of the press. It recognizes the invaluable role of the free press to a vibrant, working democracy and to the overall development of our society,” ayon sa paliwanag ng nasabing bill na authored ni Sen. Bong.

Kilala talagang malapit si Sen. Bong sa media workers at winner kung makisama.

 

LANI MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with