Napapanood na sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Hello, Universe na pinagbibidahan nina Janno Gibbs at Anjo Yllana.
Si Xian Lim ang scriptwriter at direktor ng naturang proyekto mula sa Viva Films.
Sobrang nalungkot daw ang actor-director dahil kinailangang putulan ng mahigit isang oras ang ginawang comedy film. “Masakit magtanggal half of what you already shot. What was left was one hour 30 minutes, plus 10 minutes of credits. My mom saw the first cut which was three hours. I idolize the stars of Hello, Universe and I gave them the freedom to do the jokes and have fun while shooting. Riot ang nangyari. Of course, we had to take care of the length for a comedy film. I still hope to show the director’s cut of the film one day,” kwento ni Xian.
Para kay Xian ay isang malaking karangalan na maktrabaho ang mga pinakakilalang komedyante sa bansa tulad ng magkaibigang Janno at Anjo. “It’s such an honor to be working with Janno and Anjo. They were my comedy idols when I was still younger. It was such an honor to be graced by their presence. They brought their years of experience in the industry to this material the we have,” giit ng binata.
Ayon kay Xian ay isang mabigat na responsibilidad ang pagiging direktor para sa isang pelikula. Magkahalong emosyon ang naramdaman niya habang ginagawa ang Hello, Universe “I am more nervous with my directorial film than when I’m only starring in one. Everything is my fault if I am a director. Just having to put together all the elements and making all your actors work, explaining everything to them. At the same time, keeping your audience engaged. I’m sort of to blame for everything in the movie when something goes wrong. The responsibility is mine. I am looking forward to the actor’s performances and I hope I capture everything perfectly,” paglalahad ng actor-director.
Mag-amang Paco at Heaven, isang taong nagtampuhan
Nagkaroon ng tampuhan sa pagitan ng mag-amang sina Paco at Heaven Arespacochaga halos isang dekada na ang nakalilipas. Si Heaven ay ang anak ni Geneva Cruz sa dating drummer ng bandang Introvoys. “I have five kids. And edad nila, 26 pababa hanggang 8. Si Cassidy, siya ang wake-up call ko. I have 4 boys and 1 girl. Nag-away kami ng panganay ko, si Heaven. Sabi niya, ‘Masama kang tao, wala kang kwentang ama. Kami, nilabas mo lang kami para iyabang. Trophy kids, so I don’t want any part of this,’” pagdedetalye ni Paco.
Umalis umano si Heaven sa poder ng ama noong mga panahong nagkasagutan sila at isang taong hindi nagkausap. Hinayaan lamang daw ni Paco ang naging desisyon ng kanyang panganay noon. “I was orphaned at 22. I had to fend for myself at 22. Tinawag niya akong walang kwenta. I want to see you fly. May pride pa kami, isang taon kaming hindi nag-usap. Si Cassidy ang unang anak na inalagaan ko. Kasi ‘yung mga boys, nanay nila ‘yung nag-alaga or may mga yaya. I was looking at this little fragile girl and sabi ko, ‘I’ve never felt this way.’ Doon ko na-realize ‘yung sinasabi ni Heaven na, ‘Trophy.’ Hindi ko pwedeng gawing trophy (si Cassidy). Kasi gagawing trophy ng mga lalaki ito. So kailangan ko magbago. And then nag-disseminate sa mga boys. Isa-isa akong nag-sorry sa kanila. Doon ko nasabi na madaling maging tatay, isilang mo lahat iyan, bigyan mo ng child support, okay na, pero ‘yung maging ama, ‘yung maging dad na, ‘Hey dad, can I talk to you?’ Napaka-fulfilling no’n. It changed me completely, having a daughter,” pagtatapat niya. (Reports from JCC)