Marami pa rin palang ‘di nakakaalam ng nilalaman ng SOGIE Equality Bill.
Kaya sa ‘urgent’ post ni Ice Seguerra, ang immediate reaction ng ibang followers niya ay ‘ano pong nakalagay sa bill?’ o something to that effect.
Nag-post nga ang award-winning singer / director ng “URGENT ALARM, MGA LGBTQ+ AT MGA ALLIES: “There are attempts to delay, ONCE AGAIN, the SOGIE Equality Bill from being deliberated in the Senate Plenary. Mga bakla, all eyes on the Senate tomorrow at hanggang mapasa ang batas:
“I-tweet at i-email ang mga Senador na full support tayo sa SOGIE Equality Bill na i-debate na sa plenaryo. Magpost sa lahat ng social media (Tiktok, FB, at IG) at i-tag ang mga accounts ng mga Senador at mga kaalyado, lalung-lalo na sila Senate PResident Migz Zubiri at Majority Floor Leader Joel Villanueva.
“Ang pagbabalik sa committee ng SOGIE Equality Bill para maging parte ng iba pang bill o komite ay paglusaw at pagdelay nito.
“Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill.
“#SOGIEEqualityNow #SaveEquality,” ang buong caption ni Ice sa photo nila ng misis na si former FDCP Chair Liza Diño pero ‘di pinangalanan ang mga sinasabing ‘humaharang.’
Sa SOGIE Equality Bill ay nakapaloob na kilalanin ang mga pangunahing karapatan ng bawat tao anuman ang kasarian, edad, social status, kapansanan, relihiyon, at paniniwala sa pulitika. Nangangahulugan ito na poprotektahan ng batas ang mga miyembro ng LGBTQIA+ mula sa diskriminasyon at marginalization.
Samantala, Love Wins din in Quezon City dahil mabilis ang statement ni Mayor Joy Belmonte “Love has no limits. Love is universal. Love wins, always. Sa ikalawang pagkakataon, mag-o-organisa ang lokal na pamahalaan ng QC, sa pangunguna ni Mayor Joy, ng isang commitment ceremony para sa ating mga kapatid na kabilang sa LGBTQIA+ sa darating sa February 2023.”