Proud si Anne Curtis sa pagrampa ni Jasmine Curtis sa Sundance Film Festival. Hindi gaanong napansin ang presence nila Jasmine sa Sundance para sa pelikulang In My Mother’s Skin nila ni Beauty Gonzalez dahil nakaabang ang lahat sa nominasyon ng Oscars para kay Dolly de Leon.
“MAJOR! Sestra @jascurtissmith looking gorgeous and making me so proud at @sundanceorg Their film, In My Mother’s skin made its premiere a few days ago.
Keep doing you sestra!!! So happy for you! And congratulations to the whole team!,” post ni Anne na laging nakasuporta sa kanyang kapatid.