^

PSN Showbiz

KathNiel, babalik sa Barcelona!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, babalik sa Barcelona!
KathNiel

Ang saya lang, Ateng Salve, dahil active na naman ang ABS-CBN Global sa pagdadala ng Kapamilya stars abroad.

Excited nga ang KathNiel fans dahil may shows sa Europe at Abu Dhabi, United Arab Emirates ang mag-sweethearts na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nasa Barcelona, Spain sila on March 11 at ang friend kong si MKars Sagun na tagaroon ay nagpa-reserve na ng tickets.

Maraming fans doon ang KathNiel na excited na sa kanilang pagbabalik sa Barcelona. Remember, ginawa nila roon ang pelikulang Barcelona ng Star Cinema.

For sure, before March 11 pa lang ay nasa Barcelona na sila dahil on March 12 naman, sa Milan, Italy ang show nila.

On March 18 naman ang punta nila sa Abu Dhabi.

Kasama sa ABS-CBN Global shows na ‘yon sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia.

Kilalang friend nina Kathryn at Daniel si Joshua, kaya bonding na rin nila ‘yon. Malapit din si Zanjoe sa tatlo dahil kabarkada ng mga ito ang girlfriend niyang si Ria Atayde.

Naku, Ateng Salve, hindi ako magtataka kung sumama sa kanila si Ria, huh!

‘Yun na!

Janno, tinutulungan ni Ogie

Nakaka-good vibes naman ang mga kaibigan ni Janno Gibbs sa showbiz.

Kung si Anjo Yllana ay pumayag na maging support niya sa pelikulang Hello, Universe! ng Viva Films and directed by Xian Lim, si Ogie Alcasid naman (tinagurian silang “small brothers”), um-attend ng premiere night ng pelikula ni Janno noong Monday.

Tuwang-tuwa rin si Ogie nang mag-guest si Janno sa It’s Showtime. Isa nga ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid sa sobrang nagpo-promote ng Hello, Universe! ni Janno.

Kahapon na opening day ng pelikula ng kaibigan, nag-post na naman sa social media si Ogie at sinabing, “Flex ko lang itong brother ko. Sobrang husay nya!! Showing na po today! #HelloUniverse.”

‘Katuwa, ‘di ba, Ateng Salve, na maraming sumusuporta sa pelikula ni Janno? At least, dalawa sina Ogie at Anjo sa sobrang nagmamahal sa mister ni Bing Loyzaga.

No wonder at nasabi nga ni Janno nang makachikahan ko siya na wala na ‘yung depression niya na sobrang nagpaapekto sa kanya.

So nice!

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with