^

PSN Showbiz

Alden, kinumpara kay Eddie Garcia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, kinumpara kay Eddie Garcia
Alden

Talagang ang dami ring inggit kay Alden Richards. Ayaw tantanan ang mga bagay tungkol kay Alden.

Nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon at kahit noong kasagsagan ng pandemic ang dami pa ring trabaho ni Alden.

Kung bakit hanggang ngayon ayaw bitawan ng followers niya si Alden, hanggang ngayon buhos ang biyaya sa binata at mahal na mahal ng mga tao.

Dahil nga never nagbago si Alden, lagi siyang polite at sweet. Marunong tumanaw ng utang na loob, tingnan mo ang pagmamahal niya kay Mama Tenten. Pay forward lahat ng nagaga­nap sa kanya. Lahat ng itinanim niyang mabuti balik-biyaya sa kanya.

Basta isa si Alden sa mga artista na never lilipasan ng panahon. Dahil saan man o anumang season kaya niyang dalhin. Magiging para siyang Eddie Garcia, anumang generation puwede mong gamitin ang personalidad niya.

Alden will grow up with the times, growing with anything good, dahil mabuti siyang tao at artista.

Boy at Allan, may tambalan

Naalala ko na ang magiging second TV show ni Boy Abunda sa GMA 7. Ito ‘yung kasama niya si Allan Cayetano.

‘Yung combination nina Allan at Boy ay very exciting dahil nga kung iisipin mo parang combination ito ng showbiz and politics.

Very nice dahil talagang sila ang pinaka-credible sa kanilang fields.

Para ngang mabuti na lang married na si Sen. Allan dahil baka machismis pa sila ni Boy Abunda, hah hah joke joke, hah hah.

Talagang very exciting ang mga ginagawa ngayon ni Boy Abunda, ang sarap dahil enjoy siya sa trabaho niya.

Congrats, Boy Abunda, all the best dahil ang bait mo talaga at number 1 ka talaga sa larangan ng hosting.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with