^

PSN Showbiz

Janine at Zanjoe, tinilian sa dinagyang

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine at Zanjoe, tinilian sa dinagyang
Janine Gutierrez

Niyanig ng Dirty Linen cast na sina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz, at Seth Fedelin sa kanilang mala-concert-level numbers sa Dinagyang Kapamilya Karavan sa Iloilo noong Enero 22.

Nanguna ang dalawang lead star ng serye sa pagbibigay-aliw sa mga manonood. Malakas na sigawan mula sa fans ang natanggap ni Janine nang kantahin niya ang hit song na Jopay, habang natunaw naman ang mga puso ng mga manonood dahil sa pag-awit ni Zanjoe ng mga love song.

Samantala, naghatid ng nakakakilig na performances ang tandem na sina Francine at Seth sa mga tagahanga nila sa City of Love. Sumama rin sa cast ang Idol Philippines finalist na si Kice, na siyang kumanta ng opisyal na theme song ng serye.

Ang Dirty Linen ay ang bagong drama teleserye ng ABS-CBN na ipinalabas noong Enero 23.

Kasabay nito, ipinagdiwang din ng cast ng Mars Ravelo’s Darna, sa pangunguna ni Jane de Leon, ang Dinagyang Festival kasama ang Ilonggo fans sa Vista Mall Iloilo noong Linggo. Kasama niya ang iba pang miyembro ng cast na sina Mutya Orquia, LA Santos, Young JV, at Mark Manicad.

Mapapanood ang Darna at Dirty Linen gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->