Nagkaroon ng meet the press para bumati ng Happy Valentine in advance si Sen. Lito Lapid. Talagang excited siya na makita in person ang showbiz writers na matagal na rin niyang hindi nakikita at nakakausap.
Aniya, lagi raw siyang nae-excite tuwing makikita ang entertainment press na karamihan sa mga beterano ay kilalang-kilala niya at iniisa-isa niya ang pangalan.
At ang bongga pa, kasama niya sa nasabing meet the press ang matagal na rin naming kaibigang producer na si Jessy Chua.
Naku si Jessy ang hinaharbatan ko noon tuwing mag-a-abroad ako.
Hahahaha.
Ang dali nu’ng hingan ni Jessy.
Si Jessy ang tumulong noon kay Lito, noong nag-uumpisa pa lang siya sa career niya.
Talagang kumbaga ay ito ang nag-alaga sa sa ngayon ay senador na.
Ang maganda kay Lito ‘di siya nakakalimot.
Alam na alam niya at proud na patuloy na tumatanaw ng utang na loob sa taong nagbigay sa kanya kumbaga ng magandang buhay dahil kung hindi siya nag-showbiz at walang tumulong sa kanya, hindi niya mararating ang kung anumang meron siya ngayon.
Hahaha.
Ngayon ay mukhang haharapin ulit ni Lito ang showbiz career niya na matagal ding hindi niya inasikaso dahil sa pulitika.
Nasabik nga siya dahil nakita niya na nandun pa rin ang avid fans niya na gustung-gusto siyang mapanood.
Now more than ever talagang lalo siyang na-excite sa paglabas sa TV o movies. Kaya nga pati pagharap sa movie press natuwa siya.
Welcome na welcome naman si Lito dahil nga isa naman siya sa mababait na stars natin. Bongga.