Boy Abunda, gusto ring mag-produce ng interview show
Maganda ang rating ng pilot episode ng Fast Talk with Boy Abunda na nagsimula nung Lunes, Jan. 23. Naka-7.5 percent ito, at okay na ‘yan sa afternoon slot.
Hindi nga gaanong malakas ang viewership nung araw na ‘yun, pero nakakuha pa ng ganung rating.
Ang Abot Kamay na Pangarap kasi ay naka-8.3 percent, at ang Unica HIja ay 8.4 percent at sumunod na ang Fast Talk with Boy Abunda.
Pero nakakapagtaka lang na pagdating sa Underage ay bumaba na ito na naging 6.3 percent.
Sana maganda pa ang susunod na episode ng talk show ni Kuya Boy at matulungan nitong hatakin pataas ang rating ng Underage.
Ang saya rin ng episode ng FTWBA kahapon na kung saan si Buboy Villar ang isinalang at may exclusive interview sa bagong kasal uli na sina Glaiza de Castro at David Rainey.
Samantala, bukod sa Fast Talk ay may isa pa palang show si Kuya Boy na block time ng Cayetano family.
“The other one is a block time. That comes out on Sundays. Ito ‘yung pagpapatuloy ng Compañero nina Senators Allan, Pia Cayetano,” sabi ni Kuya Boy.
“I’m hosting that. It’s called CIA with BA — Cayetano In Action with Boy Abunda.”
Sa Feb. 5 nakatakdang mag-pilot ang nasabing programa na magbibigay ng legal advice.
Pero gusto raw sana niya ng isa pang show na baka gagawin niya sa GTV at ipu-produce niya.
“Hindi ko alam kung papayagan nila ako. But siguro mga three to six months from now, ‘pag medyo nakalugar na, I really want to negotiate.
“I want to co-produce sa GTV. A show that I’m gonna call Tell Me Your Story. Ito ‘yung interview show.
“I always tell that in my interviews, ‘Tell me your story.’ Pero ang pangarap ko sana, kung papayagan ako, I’d like to co-produce. I’ll take care of production. Gusto kong gawin ‘yun,” saad ni Kuya Boy.
Wala pang maintenance sa edad na 70!
Naloka ang mga matatandang bading nang nalaman nilang sa edad na 70 ay wala pa rin palang tini-take na maintenance si Sen. Lito Lapid.
Regular ang exercise ng aktor/politician, at ensayado nga raw siya kaya keri pa niyang lumagare sa senado at sa paggawa ng pelikula. “Kasi ensayado, e. Kasi hindi ako nagpapabaya. Alam ko naman, e, saka lagi akong ready. Baka bigla akong isama sa pelikula.
“Kamukha niyan, nakadalawang pelikula akong tapos. Tapos bigla akong kinuha dito sa Batang Quiapo. At least nakakondisyon pa rin ang katawan ko,” pagmamalaki ni Sen. Lapid.
Pero nai-enjoy pa niya ang pagbabalik niya sa pag-arte, kaya maaring masundan pa ito ng mga iba pang projects.
Inilatag na nga ni Sen. Lapid ang mga susunod niyang gagawin na malaking pelikula pa.
Kaya pinag-iisipan na niyang okay na siya sa pulitika.
Ilang taon na lang, puwedeng mag-retire na siya at hindi na niya hinahangad na tumakbo sa mas mataas pang posisyon.
“Wala na, wala na akong ano. Bahala na, kasi hindi ko naman tinatapos ang salita ko, baka sakaling meron pa o ano,” pakli niya. “Kasi 70 years old na ako pagkatapos nito. Kung ma-reelect ako, matatapos ako, 76 years old. ‘Di ba?
“Kaya wala na akong inaano sa sarili ko. Basta retired na ako, okey na ako,” dagdag niyang pahayag.
Dahil sa ensayado nga si Sen. Lapid, inaasahang mapapaaksyon pa siya sa mga susunod niyang gagawin.
Kahit nga mangabayo ay nagagawa pa raw niya.
May gagawin siyang pelikula kay direk Erik Matti at gusto raw pasakayin pa siya sa kabayo.
“Parang gusto ni Direk Matti, naka-kabayo. Gusto niyang ibalik ‘yung naka-kabayo noong araw, saka yung Kamagong-style.”
Ang Kamagong ay 1987 Viva movie na pinagbidahan nina Sen. Lito Lapid at JC Bonnin, sa direksyon ni Carlo J. Caparas.
“Nangangabayo pa ako pero natatakot ako dahil… kondisyon ang katawan ko, baka ikako nasa isip ko na lang. Baka hindi sa katawan ko,” saad ni Sen. Lapid.
“Pero ‘di ko pa tina-try. Sa Probinsyano, ‘di ba, nangabayo ako, lahat. E baka ikako nasa isip ko na lang na alam kong, ‘Kaya ko ito! Kaya ko ito!’,” sabi pa ng actor/politician.
- Latest