^

PSN Showbiz

Lito Lapid, pasok sa movie ni Anne

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lito Lapid, pasok sa movie ni Anne
Lito Lapid

Pasok sa BuyBust 2 si Senator Lito Lapid.

Ito ang isa pagkakaabalahan ni Sen. Lito aniya nang humarap kahapon sa entertainment press.

Though hindi pa niya alam kung anong magiging role niya sa pelikula na pinagbidahan ni Anne Curtis.

Isa itong action movie noong 2018 at isa sa mga unang naipalabas sa Netflix.

This time, tama ba na makakasama nila sa movie si Gerald Anderson?

Anyway, very grateful ang actor/pulitiko sa showbiz dahil ito raw ang bumuhay sa kanyang pamilya.

Maging ang taong sinasabi niyang umampon sa kanya nung walang-wala siya, pumulot sa kanya at ginawa siyang tao na si Jessy Chua ay kasama niya kahapon.

Kaya naman, hindi niya talaga kinakalimutan ang showbiz at talagang nami-miss niya ring umarte at gumawa ng action stunts.

Bukod sa BuyBust, magiging abala rin siya sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Tumatak si Sen. Lito sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Romulo o “Pinuno” na leader ng Pulang Araw na kahit tapos na ang Probinsyano ay andyan pa rin ang pagiging Pinuno niya sa fans.

Kaya naman todo ang pasasalamat niya kay Coco na bumuhay ulit sa career niya. “Hindi naman lingid sa ating lahat na nakilala ako ng mga millennial. Dati kasi, mga senior citizens lang ang nakakilala sa akin. Mga pelikula ko noong araw, tinatawag akong Leon Guerrero. Pagkatapos ng Probinsyano, tinawag ako na ‘pinuno,’ ‘Yun ang kilala ng mga kabataan.

“Lalung-lalo na nun’g tumakbo akong Senador, tumaas ‘yung ranking ko, naging no. 7 ako. Kaya nagpapasalamat ako unang-una kay Coco Martin dahil nabuhay uli ang career ko bilang artista, at ngayon nga, nabibigyan na naman kami ng pagkakataon dito sa Batang Quiapo,” pagkukuwento niya.

Pero itinanggi niyang inalok niyang mag-senador si Coco last election.

Anyway, magiging hari ng mandurukot sa Quiapo si Sen. Lapit sa Batang Quiapo.

First week of October ang umpisa ng taping nila dahil naayos na raw nila ang schedule ng  kaya’t walang magiging conflict sa kanyang session sa Senado.

 Kasama niya sa nasabing chikahan kahapon with the entertainment press ang anak na si Mark Lapid na kasalukuyang Chief Operating Officer (COO) of Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na mapapanood din sa Batang Quiapo.

Bf ni Nadine, may konek sa showbiz

Ah showbiz naman din pala in a way ang boyfriend ni Nadine Lustre na si Christopher Bariou.

Sister niya pala ang ex wife ng former actor na si Onemig Bondoc, si Valerie Bariou.

Naging controversial ang kanilang marriage nang kasuhan ng former actor sa Quezon Hall of Justice ang French-Filipino model na Valerie Bariou sa sole custody ng kanilang dalawang anak. Na hindi namin natanong kung anong update tungkol dito.

Anyway, nakilala namin si Valerie sa reception ng Church rites / renewal of vows nina Sen. Koko Pimentel and Kathryna Pimentel last Friday night.

In all fairness, all praises si Valerie kay Nadine at mabait daw ito.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with