Warner Chappell at ABS-CBN Music, nagkasundo para sa global publishing deal

Moira

Nagkasundo ang Warner Chappell Music Philippines at ABS-CBN Music, sa ilalim ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (AFPI), para sa isang worldwide publishing deal na magbubukas ng mga bagong oportunidad para sa Pinoy composers.

Sabi ni ABS-CBN Music head Roxy Liquigan, “This partnership with Warner Chappell Music is a great opportunity for Filipino music and our brilliant songwriters to reach greater heights as ABS-CBN strives to champion Filipino artistry on the global stage.”

Ayon naman kay Warner Chappell Music managing director for ASEAN Jacqueline Chong, “ABS-CBN Music has been our key partner in the Philippines for many years. I am very excited for this new deal and can’t wait to evolve our partnership to a new level. ABS-CBN Music has a strong brand in the region and we look forward to enhancing that through our global support and expertise.”

Isa ang ABS-CBN Music sa mga nangunguna sa Pinoy music scene na nagpapalaganap ng mga komposisyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Meron na itong higit sa 300 songwriters sa roster nito at libu-libong kanta na kasama sa catalogue.

Kabilang dito ang OPM hits mula sa mga tanyag na composer, tulad nina Freddie Aguilar, George Canseco, Mike Hanopol at Rey Valera.

Ang timeless hits na Anak, Jeproks (Laki Sa Layaw), Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at Kastilyong Buhangin ay kasama sa catalogue pati na ang iconic hits na Awitin Mo, Isasayaw Ko nina Marvic Sotto at Joey De Leon at May Bukas Pa nina Charo Unite at Ernesto dela Pena.

Kasama rin sa mga awiting bahagi ng catalogue ang Dahil Sa ‘Yo mula sa panulat nina Inigo Pascual at Gabriel Tagadtad, Hawak Kamay ni Yeng Constantino, Malaya ni Moira dela Torre, Mr. Right ni Christian Martinez, Nanghihinayang na isinulat ni Larry Hermoso, at Patuloy Ang Pangarap ni Jonathan Manalo. Bahagi rin nito ang winning songs ng Himig Handog, tulad ng Hanggang nina Ronnie at Gigi Cordero, Kung Ako Na Lang Sana ni Soc Villanueva, at Mabagal ni Dan Martel Tañedo.

Show comments