Mom at Oras de Peligro, magsasabong sa takilya!
Kaabang-abang ang tunggalian sa takilya ang magkakasabay na showing ng pelikulang Martyr or Murderer, Oras de Peligro at baka pati itong Ako si Ninoy sa March 1.
Ang Martyr or Murderer ay ang sequel ng Maid in Malacañang ni direk Darryl Yap.
Ang Oras de Peligro naman ay obra ni direk Joel Lamangan na naglalahad ng mga pangyayari nung EDSA Revolution.
Pelikula naman ni direk Vince Tañada ang Ako si Ninoy na nagpa-presscon na kahapon.
Ayon sa ilang reliable source, ang MOM at ang Ako Si Ninoy ang nakatakdang mag-showing sa Feb. 22 bilang paggunita sa EDSA Revolution.
‘Yun din sana ang gusto nina direk Joel at ng Bagong Siklab Promotions Corporation na playdate, para na rin sa EDSA Revolution, pero may kasunduan sa cinema owners na dalawang Pinoy films lang ang puwedeng magtapat sa opening day tuwing Miyerkules.
Kaya ginawang March 1 na ang playdate ng Oras de Peligro.
Ewan ko kung sadya o nagkataon lang, dahil inilipat din ng Viva ang showing ng MOM sa March 1.
Kaya magtatapat ang dalawang pelikulang ito ng dalawang direktor na hindi maiwasang merong namagitang hidwaan sa kanilang dalawa.
Hindi rin maiwasang mahahaluan ito ng pulitika.
Sana makatulong sa dalawang pelikulang ito ang pagsasabong nila sa takilya.
Boy Abunda, nanggigil kay Marian
Tuwing Sabado lang napapanood si Marian Rivera na naghu-host sa Tadhana.
Nakaka-miss siya talaga sa TV.
Kaya sana abangan siya ng fans mamayang hapon sa pilot episode ng Fast Talk with Boy Abunda na magsisimula na ngayong araw.
Punung-puno ang buong linggo ni Kuya Boy sa bagong talk show niya sa pagbabalik niya sa GMA 7. Pero gigil na gigil siya rito, kaya pinaghandaan niya itong paghaharap nila ni Marian.
Sa loob ng 20 minutes na pakikipagpanayam ni Kuya Boy, mapipiga niya kaya si Marian at kakagatin ng mga manonood ang showbiz-oriented talk show na ito?
Aminado naman ang King of Talk na hindi siya sigurado. Nandiyan ang kaba.
- Latest