^

PSN Showbiz

Top radio anchors, Tampok sa mga bagong programa ng Radyo5

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Top radio anchors, Tampok sa mga bagong programa ng Radyo5

Kasabay sa pagsalubong ng Chinese New Year, maririnig na rin ang mga bagong programa ng Radyo5 92.3 FM na kaakibat ng bagong tagline ng istasyon: Ito na ang totoong tunog ng Serbisyo Publiko! 

Nangunguna sa listahan ng mga bagong handog ng Radyo5 ang radio program ng go-to love guru ng bansa, ang Dr. Love ni Bro. Jun Banaag. Mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. to 12mn, tutulungan ni Bro. Jun ang mga magkarelasyon sa kanilang love problems at gagabayan sila sa mga pinagdaraanan nilang mga pagsubok.

Sa darating na Enero 23, mapapakinggan na sa Radyo5 ang iba pang mga bagong weekday programs tulad ng Bangon Bayan with Mon mula 4 a.m. hanggang 6 a.m., Sagot Kita! ni Cheryl Cosim mula 4 p.m. hanggang 5 p.m., Good Vibes ni Laila Chikadora at Stanley Chi mula 6:30 p.m. hanggang 8 p.m., at Pinoy Konek ni Danton Remoto mula 8 p.m. hanggang 9 p.m.

Gigisingin ng morning energy ni Mon Galvez ang mga listener sa kanyang infotainment program na Bangon Bayan with Mon. Ipadarama naman ni Cheryl Cosim ang kanyang passion for public service sa Sagot Kita! sa kanyang pagtulong sa mga Pilipinong idudulog ang kanilang pangangailangang makipag-ugnayan sa mga government agencies.

Hatid naman nina Laila Chikadora at Stanley Chi ang lighter side ng mga balita sa kanilang programa na Good Vibes. Ibabahagi ng dynamic duo na ito ang latest pop culture at social media trends na tiyak na mae-enjoy ng guests at callers.

Pagdating naman sa usapang OFW, handang tumugon si Danton Remoto sa Pinoy Konek, na magkokonekta sa mga listener at magbabahagi rin ng mga napapanahong usapin at magtatalakay ng modern at folk literature, musika at Philippine history.

Ang Radyo5 ang nangunguna at patuloy ito sa paghahatid ng mga kilala at tinatangkilik na radio programs tulad ng Ted Failon and DJ ChaCha, Cristy Ferminute ni Cristy Fermin, at Wanted sa Radyo ni Sen. Raffy Tulfo.

 

RADIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with