^

PSN Showbiz

Dennis, ni-research si Simoun

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, ni-research si Simoun

Pinasok na ng award-winning masterpiece ng GMA 7 na Maria Clara at Ibarra ang mundo ng El Filibusterismo pagkatapos nilang ipakita ang mundo ng Noli Me Tangere, na nag-umpisa na noong Lunes.

Swerte nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose and Dennis Trillo dahil mukhang magtatagal pa ito. Nagsilbi na rin kasi itong ‘refresher’ sa mga nakalimutan na ang history.

Mula sa kanyang character na Ibarra, pinaghandaan ni Dennis ang character ni Simoun,“Nag-research ako para malaman kung ano ang itsura niya at maging accurate ang depiction ko sa kanya. Proud na proud kami na mapasama sa programang ito na maraming tumangkilik at ngayon dumarating ang mga parangal. Isa ito sa pinakaimportanteng shows ng dekadang ito.”

Barbie, on the other hand, shared one of her favorite scenes, “Pinakagusto ko ‘yung nagdasal ako sa simbahan. Medyo sensitive ‘yung tinackle namin doon pero na-deliver nang maayos ang message sa viewers. Kahit made-up character si Klay, naging part na talaga siya ng nobela. Isa ito sa characters na hinding-hindi ko makakalimutan.”

Ipinahayag din ni Julie Anne ang kanyang pasasalamat sa tagumpay ng kanilang palabas “Sobrang surreal pa rin na ako ang nagpo-portray ng Maria Clara. Nagpapasalamat ako sa malaking opportunity na ito. Collective effort siya from the whole team. Bawat detalye ng project na ito ay pinaghirapan kaya worth it ang lahat ng dugo, pawis at luha. Sobrang thankful kami.”

Playing equally important roles in the series are Mr. Tirso Cruz III as Padre Damaso, Ms. Manilyn Reynes as Narsing, Rocco Nacino as Elias, David Licauco as Fidel, Juancho Triviño as Padre Salvi, Mr. Juan Rodrigo as Kapitan Tiago, Ms. Ces Quesada as Tiya Isabel, Mr. Lou Veloso as Mr. Jose Torres, Mr. Dennis Padilla as Mang Adong, Ms. Gilleth Sandico as Donya Victorina, Chai Fonacier as Lucia, Kiel Rodriguez as Renato and Kirst Viray as Pablito.

Sa pagsisimula ng Book 2 ng palabas, bumalik si Klay sa kanyang pamilya. Gayunpaman, marami pa rin siyang katanungan kung ano ang mangyayari sa kanyang mga kaibigan sa Noli Me Tangere.

Nagdesisyon na si Klay na tapusin ang pagbabasa ng libro at sa kanyang pagtataka, hindi nakasulat si Fidel dito. Nag-aalala rin siya sa epilogue na nagpapahiwatig na tinangka ni Padre Salvi na halayin si Maria Clara sa kumbento.

Upang malaman ang higit pa tungkol sa kapalaran ng kanyang mga mahal sa buhay, sinimulan ni Klay na basahin ang El Filibusterismo.

Anyway, ang isa sa mga talagang massive ang reaction sa mga character dito ay si Padre Salvi (Juancho Triviño).

Talagang patol ang marami sa mga post niya lalo na dun sa ginawa niyang pagbisita sa supermarket kung saan halos nahima­tay siya sa mahal ng presyo ng sibuyas.

DENNIS TRILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with