Sad ako ‘pag naririnig ko ‘yung mga ‘classmate’ ko sa dialysis na nahihirapang maghanap ng sponsor para sa dialysis nila.
‘Yung iba raw ang tagal pumila sa Department of Social Welfare and Development para makahingi ng pambayad. ‘Yung iba naman lumilibot sa mga pulitiko para makakuha ng guarantee letter.
So sad to see people na kahit hirap, nagpipilit mabuhay dahil meron pa silang gustong gawin sa kanilang life. Sure ako na anumang paghihirap nila balewala dahil nga meron silang something to look forward.
Iyan nga siguro ang misteryo ng buhay.
Bawat tao may dahilan para mabuhay, para makuha pa ang ambisyon nila sa life.
It is so sad lang na hirap na hirap ang iba, mabuti na lang at nakikita ko na mabait naman ang management ng FEU Hospital, ‘yung mga matagal na nilang pasyente medyo binibigyan nila ng understanding sa maliliit na hiling ng mga ito.
At makikita mo talaga na lahat ng pasyente pantay-pantay ang tingin nila, lahat asikaso nila, lahat gusto nilang gumaling.
A big round of applause sa lahat ng medical staff at sa management ng FEU Hospital. Talagang A-List sila pagdating sa service.
Mr. Fu, cool katrabaho
Tawa ako nang tawa kay Mr. Fu. Kasi nga balita na ang dami niyang datung ngayon kaya nag-resign na siya sa radio program niya.
Masarap katrabaho si Mr. Fu dahil cool siya at walang temper. Plus hindi siya ‘yung mahilig mang-epal sa kasama niya sa work. Very pleasant kasama sa trabaho kaya kahit saan mo dalhin tiyak na kayang-kaya niyang dalhin ang sarili.
Magtataka ka nga kung bakit merong nagagalit sa kanya dahil mabait siyang tao. We are happy doon sa balita na financially stable ang kalagayan ni Mr. Fu. Bongga.