Mayor Joy, pangungunahan ang Chinese New Year sa Banawe
Alam mo, Ateng Salve, kahapon in-announce ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Chinese New Year celebration sa Banawe to welcome the Year of the Water Rabbit.
Sa pakikipagtulungan ito ng QC Tourism Department at ng QC Association of Filipino Chinese Businessmen, Inc. at QC Chinatown Development Foundation, ni QC Vice Mayor Gian Sotto at QC District 1 Congressman Arjo Atayde.
Bongga ang magaganap sa Banawe Avenue corner Florentino St., at sabi nga ni Mayor Joy, “Ito’y isang paraan ng pagpapakita ng ating pakikiisa sa ating Filipino-Chinese community na katuwang natin sa pag-unlad at pagpapatibay ng ating siyudad.”
Nang mag-imbita si Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery para sa nasabing event, kasama sa binanggit niyang a-attend doon ang fiancé, pero hindi nga nakasipot si Cong. Arjo.
Nang matapos ang presscon para sa Chinese New Year event, inusisa naman ng press si Mayor Joy kung kinausap na ba siya ni Cong. Arjo para maging isa sa mga ninang sa nalalapit na kasal nito kay Maine Mendoza?
Sey ng butihing mayora ng QC, wala pa naman daw sinasabi sa kanya si Cong. Arjo, pero for sure naman daw ay iimbitahan siya nito para sa kasal with Maine.
Naku, sa sobrang closeness nina Mayor Joy at Cong. Arjo, marami ang naniniwala na isa siya sa magiging principal sponsors sa kasal ng actor-politician at ng isa sa Eat Bulaga co-hosts.
‘Yun na!
Anyway, Ateng Salve, go na tayo sa Banawe on Sunday dahil may mga singer pala na magpe-perform din sa nasabing event.
Mamimigay rin daw ng tikoy at lucky charms na pangungunahan nina Mayor Joy at Cong. Arjo.
At dahil isa nga si Cong. Arjo sa abala sa event na ‘yon, for sure, darating doon si Maine, huh!
Richard at Raymond, hiwalay ang birthday celeb
Bukas ang birthday ng Gutierrez twins na sina Richard at Raymond.
Kung si Mond ay nasa Paris, France para sa kanyang birthday break, si Richard ay mukhang babalik ng Maynila from Cebu para makasama ang mag-iina niyang sina Sarah Lahbati, Zion at Kai.
Chika sa akin ng ate nilang si Ruffa Gutierrez, sa Sunday ang pa-birthday lunch ni Richard sa bahay nila ni Sarah. Late lunch daw ang imbitasyon at nag-order na ng mga pagkain si Ruffa dahil ‘yon ang ambag niya sa nasabing lunch.
Siyempre, pupunta rin sa pa-birthday lunch na ‘yon ang parents ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Advance happy birthday, Richard and Mond!
‘Yun na!
- Latest