^

PSN Showbiz

Alex nag-sorry sa waiter, may-ari ng resto nagkonsulta sa abogado

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alex nag-sorry sa waiter, may-ari ng resto nagkonsulta sa abogado
Alex
STAR/ File

Ang latest na nasagap namin kaugnay sa isyu ni Alex Gonzaga, humingi na raw ito ng paumanhin sa waiter na napahiran niya ng icing ng cake.

Pero as of presstime, may iba pang kuwento kaming narinig pagkatapos maglabas ng statement ang publicist nilang si Peter Ledesma.

Nakasaad sa statement ni Peter Ledesma na matagal na raw nilang kilala ang waiter na si Allan, dahil ‘yun daw ang madalas na nagsisilbi sila kapag nagpapa-cater sila sa Florabel.

Nakakabiruan na raw nila ‘yun nina Mommy Pinty dahil talagang magkakilala raw sila. “Hindi naman magagawa ni Alex ang magbiro at magpunas ng cake kung hindi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex.”

Narinig naming hindi raw nagustuhan ng may-ari ng Florabel na nabanggit pa ang pangalan ng restaurant at idinamay sa mainit na isyung ito.

Kaya kinausap na raw ng legal counsel ng Florabel ang waiter.

Wala lang kaming ideya kung may legal action. Pero nag-sorry na raw si Alex sa waiter at okay na raw.

Kaya lang ang hinihintay ng lahat ay ang kanyang public apology dahil ang dami nang nakialam sa isyung ito.

Wala naman daw ibang puwedeng gawin si Alex para matapos na ang isyu kundi maglabas ng public apology sa kanyang social media account.

Ria at Zanjoe, ayaw masyadong ilantad ang relasyon

Halos magkasabay ang presscon ng magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde at inamin na rin nila sa interview ang tungkol sa kanilang relasyon.

Inilunsad si Ria bilang bagong calendar girl ng White Castle Whisky, na kung saan may pinu-promote silang adbokasiya tungkol sa body positivity.

Hindi naiwasang itanong ang tungkol sa kanila ni Zanjoe at hindi naman itinanggi ng aktres.

Pero mas gusto raw nilang pribado lang sana ang kanilang relasyon at hindi na kailangang isapubliko. Hindi naman daw nila ito napag-usapan  ni Zanjoe pero nagkakasundo raw silang mas mabuting sa kanila na lang ang ilan pang detalye ng kanilang relasyon.

Sapat na ‘yung inamin na nila ito nang tinanong sila tungkol sa kanilang relasyon. “I think there’s a lot more peace and keeping things private.

“I mean, I know I am a public figure and that comes with the territory, pero feel ko the status is already so public, why do I have to make other things about it public?

“Like, okay na ako na alam ng tao. Okay na ‘yun. But the ins and outs, okay na huwag na. Hindi na namin pinag-usapan, but I think we’re in agreement. Kasi parang pareho ka­ming…. basta ‘yun,” napapangiti niyang pahayag.

Medyo malusog si Ria sa pictorial niya sa naturang kalendaryo, kaya tinanong siya kung ano ang reaksyon ni Zanjoe tungkol sa pagiging calendar girl niya ng naturang liquor brand. “He’s very supportive throughout this whole thing,” matipid niyang sagot.

Aware na rin si Ria na ‘pag ma-release na itong bagong calendar, tiyak na makakatikim na naman siya ng bashing.

Pero hindi na niya ito iniinda. Napag­handaan na niya ang mga matitinding bashing niya sa naturang pictorial.

ALEX GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with