^

PSN Showbiz

‘Mga nagda-dialysis, nakadepende na sa machine ang buhay’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Mga nagda-dialysis, nakadepende na sa machine ang buhay’
Gladys at Lolit

Naku, ang aga kong nagising dahil dialysis day ko ngayon pero nakatanggap ako ng tawag kay Monique ang head nurse ng FEU Hospital dialysis section na may problema ang machines dahil sa water system.

Bongga at kaloka.

Paano iyan kung hindi maayos, paano na ‘yung mga magda-dialysis?

Ganun pala iyon, nasa machine na talaga ang buhay mo, dependent ka na sa mangyayari sa machine.

Na-tense tuloy ako at nag-isip kung punta na lang kaya ako sa presscon ni Chuck Gomez, hah hah.

Si Chuck ang aligaga kahapon sa presscon ni Ria Atayde bilang bagong calendar girl ng White Castle Whisky.

Kaya lang baka biglang tumawag si Monique na ok na ang machine, matataranta naman ako.

Hay naku, talagang cause of delay ang mga ginagawa ng health ko sa buhay dahil depende sa skeds ng gamutan ang kilos ko.

Buti na lang swak ang sked ng meet the press ni Lito Lapid kaya puwede akong pumunta. Hahaha.

Hay naku, hanggang sinusulat ko ito ay wala pang tawag sa akin. Pero ang advice mga 6:00 hanggang 7:00 ay baka maayos na ang water system.

 

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with