Emosyonal sa pagbalik... Vhong, dedma sa Showtime nung nasa kulungan!
Nakabalik na sa It’s Showtime kahapon si Vhong Navarro.
Emosyonal ang komedyante nang tawagin ni Vice Ganda. Mangiyak-ngiyak naya pagpasok pa lang ng stage hanggang nagkantahan sila ng I’ll Be There.
Inamin ni Vhong na hindi siya nanood ng Showtime nung nasa kulungan siya dahil malulungkot at nami-miss niya ang mga katrabaho. “Sabi ko manonood na lang ako pag nakalabas na ako,” aniya.
Pero nang makalabas naman daw siya, hindi naman agad siya nakabalik dahil may mga prosesong kailangang gawin.
Mas lalo namang pinalakas ang loob niya ni Vice Ganda na inaming binabasa lahat ng comment tungkol kay Vhong.
Sinabi rin ni Vhong na sinubukan siya ng Diyos. “Kapag nandoon ka sa loob, ang hirap. Nakita ko ang inmates ko sa NBI, sa Taguig, naaawa ako sa mga walang dumadalaw sa kanila, ang iba ay iniwan ng pamilya, At ‘yung iba ay parang katulad ko na wala namang ginawa pero nandoon.
“Ite-test ka talaga ni God, kung ano ang faith mo sa Kanya. Kaya sabi ko kay kuya Ogie (Alcasid) ang hope at faith ay iisa ‘yan. Hindi pwedeng isa diyan mas mataas, dapat pantay ‘yan. So kumapit ako sa Panginoon, sa asawa ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa mga taong nagdarasal at nagtitiwala sa akin. Kaya patuloy akong lumaban na malagpasan ang mga problemang pinagdadaanan ko,” kuwento pa ni Vhong na ikinaluha rin ng ibang nasa audience.
Nakapagpiyansa bago nag-Pasko sa kasong rape si Vhong na isinampa ni Deniece Cornejo.
Ilang buwan din siyang hindi napanood sa programa matapos makulong sa NBI hanggang ilipat sa Taguig hanggang pinayagang magpiyansa ng P1 million para sa kanyang pansamantalang paglaya.
- Latest