Angela, Bini, Bgyo, Gigi, at iba pang Kapamilya artists, todo ang ningning noong 2022
Naging espesyal na taong nagtapos para sa maraming Kapamilya artists na talaga namang nagningning ang career at umani ng maraming streams dahil sa kanilang nakakaiyak, nakakaindak, at nakaka-inspire na musika sa kabila ng pandemya.
Isa na rito ang Star Music artist na si Angela Ken na pumalo na sa 36 million all-time streams ang kanta sa Spotify samantalang nag-umpisa lang siya noong 2021 at inilunsad ang kanyang unang album noong Nobyembre.
Kabilang dito ang kanyang patok na mga kantang Ako Naman Muna at It’s Okay Not To Be Okay.
Umani naman ng 3.9 million plays ang self-titled debut album ng breakout artist na si Gigi de Lana pagkatapos ilunsad noong Enero 2022 na sinundan pa ng kanyang matagumpay na Domination concert tour sa Manila, Middle East, at Amerika. Ngayong taon, nakatakda naman siyang pangunahan ang post-Valentine’s concert na G Rules kasama ang The Gigi Vibes sa The Theater at Solaire sa Pebrero 18.
Isa rin si Janine Berdin sa matagumpay na nakapagbahagi ng sariling musika sa pamamagitan ng kanyang debut mini-album na WTF I actually wrote these songs na meron nang higit sa 3 million streams.
Back-to-back namang naglunsad ang P-pop sibling groups na BGYO at BINI ng kanilang sophomore album noong 2022. Pumalo na sa 3 million plays ang Be Us album ng BGYO na nito lamang Nobyembre inilabas.
Samantala, patok din ang paglunsad ng Feel Good album ng BINI noong Setyembre na sinundan pa ng matagumpay na live Feel Good album showcase noong Oktubre na ginanap sa SM North EDSA Skydome. Bumida rin ang kanilang album sa iba’t ibang Spotify playlists, kabilang na ang Radar Philippines, EQUAL, P-Pop on the Rise: Best of 2022, at iba pa.
Kasama naman sa mga single na umani ng multiple features sa Spotify ang O Luna ng balladeer na si JMKO, RBND mula sa baguhang singer na si Zachary, at Best Friends ni DNA Music artist Cool Cat Ash.
Hindi rin nagpahuli ang rising music heartthrob at Lyric and Beat star na si Jeremy G na naglunsad ng kayang bagong single na Sinayang Mo na meron na ngayong 100,000 streams.
Sila actually ang mga masuwerte na kahit pandemic ay nagkaroon sila ng career at natupad ang kanilang mga pangarap.
- Latest