Bongga si Anna Mae Lamentillo. Meron na siyang natapos na book, ang Night Owl na talagang napakaraming mga exciting na bagay ang mababasa mo sa libro na tungkol sa mga natapos na proyekto noong si Sen. Mark Villar ang Sec. ng Department of Public Works and Highways.
Isa si Anna Mae sa talagang bongga ang PR kaya naman parang magnet siya bilang pinaka-close na staff ni Sen. Mark Villar noon.
Ang bait at approachable ni Sen. Mark, idagdag pa ang sobrang PR ni Anna Mae, paano ka magkakamali, tiyak na thumbs up agad, ‘di ba! Bonggang-bongga.
Krista at Nino, ‘di nakakalimot sa mga kaibigan
Isa pang hindi ko rin makalimutan ay ‘yung every year sa almost five or more na yata, ewan ko kung bakit sobrang pagmamahal sa akin ni Krista Ranillo at Nino Lim ng Los Angeles, USA na laging may padalang regalo sa akin.
Talagang grateful ako sa gesture nilang ito na talagang hanggang ngayon ay ginagawa nila. Imagine mo na hindi sila nakakalimot, kaya nga prayers na lang na sana patuloy na maging maganda ang kanilang pagsasama, lagi silang in good health.
How I wish I can personally thank them.