Alam mo, Ateng Salve, isa si Elisse Joson sa mga endorser ng vlogger-businesswoman na si Anna Magkawas sa kanyang Luxe Skin products.
Sa Jan. 25 ay may event ang kumpanya ni Anna. Thanksgiving and awarding para sa mga dealer nila.
Isang malapit kay Anna ang tinanong ko kung darating ba sa event na ‘yon si Elisse?
Ang sagot nito, ang alam niya, darating sina Cassy Legaspi, Aubrey Miles, Pau Fajardo at Dani Barretto.
Pero wala nga raw si Elisse dahil mas tututukan nila ang Luxe Slim products ni Anna at hindi naman ‘yon ang ine-endorse ng Kapamilya actress.
Sayang, ang sarap sanang tanungin si Elisse kung totoo ang nasagap kong chika mula sa kampo ni McCoy de Leon na nag-uusap pa rin ang dalawa kahit inamin na nga ng aktor na hiwalay na sila ng nanay ng anak niyang si Felize?
Well...
Celeste, dinagsa ng mga pinoy
Ang bongga ni Celeste Cortesi dahil ang daming mga kababayan natin sa Amerika ang nagpunta sa New Orleans, Louisiana para suportahan siya.
Bukas na ng umaga magaganap ang grand coronation ng Miss Universe 2022 at matunog nga si Celeste at sana ay palarin siyang masundan ang mga yapak ng mga Miss Universe nating sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
May mga kaibigan ako na galing sa San Jose, California at nandoroon daw sila to cheer for Celeste.
Snooky, ayaw nang maging sweet
Masaya si Snooky Serna na isinama siya ng GMA 7 sa TV adaptation ng Underage.
Orig si Snooky sa Underage movie ng Regal Films noong ‘80s at kasama niya roon sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.
Kung sa Underage movie at sweet-sweet-an si Snooky kahit may konting pa-sexy sila nina Maricel at Dina, sa TV adaptation ng pelikulang pinagbidahan nila, maldita ang role ng aktres.
Kontrabidang-kontrabida siya pero hindi naman issue ‘yon sa kanya.
Bilang aktres, willing si Snooky na gampanan ang anumang role na ibigay sa kanya ng kanyang mother network.
Bongga! ‘Yun na!