Literal na tinalbugan ng Pinay teener na si Zoe Gabriel ang mga celebrity influencer na hundreds of thousands kung maningil na ang iba ay luxury items ang tinatanggap na talent fee.
Super duper viral si Zoe na binash-bash ng ibang social media users nang i-post sa kanyang TikTok account ang unboxing at pasasalamat sa ama sa kanyang ‘first luxury bag’ na Charles and Keith ang brand na made in Singapore pala.
Sa Singapore naka-base ang pamilya ni Zoe na 17 years old.
Hindi kino-consider ng mga Pinoy na luxury brand ang Charles and Keith na biglang sumikat dahil kay Zoe.
Ang feeling ng ibang netizens maliit na halaga ang $79.90 na presyo ng nasabing tote bag kumpara sa totoong luxury brand.
Pero classy ang naging response ng bagets, mas class pa sa ibang celeb. “My family didn’t have a lot. We couldn’t buy things as simple as bread from BreadTalk, (that) was such an occasional thing. That kind of thing was such a luxury to us when we first moved to Singapore. Every time we passed by a store, my parents would just say next time but next time we’d never come. Your comment spoke volumes on how ignorant you seem because of your wealth. To you an $80 bag may not be a luxury, for me and my family it is a lot. And I’m so grateful that my dad was able to get me one. He worked so hard for that money. I can’t believe I got hate over a bag that I was so excited to have.”
Ang ending naka-lunch pa ng mag-ama ang founders ng Charles & Keith sa kanilang headquarters sa Singapore at nakapag-tour pa ito at doon nila naikuwento nag-umpisa rin ang nasabing kumpanya sa humble beginning.
Kakatuwa rin kasi ang ibang social media users na para sa kanila ay hindi luxury ang 80 dollars na bag pero nagrereklamo sa presyo ng sibuyas. Hahahaha.
Ang ending tuloy nagkaroon ng mataas na awareness ang nasabing brand ng bag at sapatos at maging si Pokwang ay napa-comment ng “Maganda mga sapatos nila di masakit sa paa! di kagaya ng super na luxury brand susme binayaran mona ng mahal ang saaakkkiiittt sa paa!! ”