Ang ganda ng pagkakagawa ng drama series na Dirty Linen starring Joel Torre, Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Epy Quizon, Tessie Tomas, John Arcilla, Janice de Belen, Jennica Garcia (na first project niya bilang Kapamilya), among others.
Nagkaroon ito ng star-studded celebrity screening noong Miyerkules ng gabi at talagang kabang-abang ang mga eksena lalo na ang mga eksena nina John, Joel and Janine.
Iba rin ang pagkakagawa na kuwento ng tungkol sa e-sabong, porno, etc. etc. na parang kasalukuyan nangyayari sa ating lipunan.
‘Katotohanan ang alas upang linisin ang dumi at kasinungalingan’ ang catchline ng naturang palabas na dinirek nina Direk Onat Diaz and Direk Andoy Ranay.