'Darna supports Darna': Jane de Leon saludo kay Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022
MANILA, Philippines — Aprub na aprub para sa aktres na si Jane de Leon — na siyang gumaganap kay "Darna" sa parehong Kapamilya TV series — ang sinuot ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa katatapos lang na national costume competition.
Chinanel din kasi ni Celeste ang kanyang "inner Darna" sa naturang patimpalak kamakailan, dahilan para umabot sa global platform ang kilalang Filipina superhero icon.
"SLAYYY! Philippines! @celestre_cortesi," wika ni Jane sa isang Instagram story, Huwebes.
Ayon sa Miss Universe Philippines IG page, dinala nila ang ganitong estilo ng pananamit sa ika-71 Miss Universe national costume competition lalo na't kinakatawan daw ni Darna ang "kabaitan, pakikiramay" at virtue ng "empowerment."
Ang costume ay yari ng designer na si Oliver Tolentino habang ang headpiece at ilan sa mga metalwork accessories ay gawa naman ni Jerome Navarro.
Ikinatuwa rin naman ng programang "darna" ang pagkampeon sa naturang bayani habang ibinabato nang buong-buo ang suporta sa pambato ng Pilipinas.
"The Ravelo family extends their full support, gratitude, and excitement for the opportunity to show Darna to a global audience through our country's official Miss Universe representative," ayon sa ABS-CBN PR.
"We hope that, like our beloved Filipino superheroine, Celeste will continue to serve as a source of inspiration and empowerment for women all around the world."
— James Relativo
- Latest