Hindi ako mahilig sa circus. (bilang daig na ng showbiz ang circus!) Kahit nung bata ako, ‘di ako nagyayang manuod n’yan. (ok na ko maglaro na lang ng barbie!) Pero dahil ramdam ko mag-e-enjoy ang pamangkin naming si Lily na bumisita mula pa Italy, (Italian princess s’ya!) ay go talaga kami sa newport performing arts theatre para sa super american circus. (thank you kay Newport World Resorts PR director Joee Guilas sa suporta!)
Akala ko lang flop ang pagdala namin sa tatlong taong gulang naming pamangkin kasi pag-arrive n’ya sa teatro, burlog ang bagets! (‘yung parang magdamagang nag-taping!) Medyo mahirap pa naman gisingin mga bata, baka maburyong! Buti na lang opening pa lang paandar na agad ang performers! Kaya nagising ang Lily! May lalaking magmotor ba naman sa lubid sa ibabaw ng audience tapos may lumambitin biting babae! (ate ha eksena ka!)
Maraming pasabog na stunts ang 24 performers na mula Hawaii at Florida. Sila ay kinabibilangan ng mga acrobats, aeralists, ballerina, contortionists, singers at dancers. Wala silang mga kasamang hayop tulad ng mga karaniwang circus pero ‘di nila binigo ang mga manonood. (hello gawin ba naman nilang circus ‘yung loob mismo ng teatro!)
Maraming balancing act na may iba’t ibang tema (basta ‘yung ayaw nila tumigil at pakabog!) May ilang comedy antics din paminsan minsan para may interaction sa audience (para makahinga naman mula sa mga paglipad at lambitin sa ere)
Makapigil hininga ang final act. May isang mala-king steel cage na hugis globo. Pinasok ito ng tatlong motorcycle riders at isang babae. Nagpaikot-ikot ang mga nakamotor sa loob habang nakatayo ‘yung babae. (pamatay ha!)
Nag-enjoy si Lily at mga batang tulad n’ya. (marami ring tulad n’ya na blonde ang buhok sa audience!) Naaliw din ang mga may edad.( basta ako type ko ‘yung mga lalaking nagpakita ng abs!)
Nakatakdang lumibot pa ang super american circus sa iba’t ibang lugar sa Pinas tulad ng Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Ilocos Norte. (makapag-audition nga, mag-split ako ala mystica!)