MANILA, Philippines — Mister at misis na sa mata ng Simbahan ang Kapamilya "comedic" broadcaster na si Marc Logan at Lois Diego — ito matapos ang halos dalawang dekadang pagsasama bilang mag-asawa.
Ang naturang kasal ay nangyari, Martes, sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City, bagay na dinualuhan ng kanilang pamilya, mahal sa buhay, at mga dambuhalang pangalan sa larangan ng midya at pulitika.
"MARRIED! FINALLY, AFTER 18 YEARS. ABSCBN’s Marc Logan & Lois Diego have considered themselves married since 2003 but have formally tied the knot today ???? Say hello to Mr & Mrs Ponti," wika ng kapwa ABS-CBN journo na si Karen Davila kahapon.
"What a beautiful testimony of love tested by time & a recommitment done before God!"
"To Marc & Lois, may this day seem like the first of forever! Thank you for letting us celebrate with you."
Nagsilbing ninang sa kasal si Karen, gaya na lang ng kapwa media personalities na sina Korina Sanchez, Ces Drilon, Cory Vidanes at Doris Bigornia.
Ilan pa sa mga bigating co-ninang sina Sen. Grace Poe, Quezon City Mayor Joy Belmonte atbp.
"Congrats to Marc and Lois Logan.???? 18 years of waiting now begins a lifetime of bliss!" sabi pa ni Korina, na ngayo'y nasa TV5 na.
Dekada '90 pa nang sumikat si Marc Logan (Marcelo Logan Ponti Jr. sa totoong buhay) dahil sa kanyang pagbabalita ng magagaang segments at features sa daily newscast na "Patrol."
Dati nang biniyayaan ng mga anak sina Marc at Lois buhat ng kanilang pagsasama: sina Coleen at Marc. — James Relativo