Angeline, walong taon nang nag-umpisang mamanata sa Itim na Nazareno

Angeline Quinto at Nonrev Daquina

Kesehodang maraming tao sa pista ng Black Nazarene sa Quiapo, Manila noong Monday, nagpunta pa rin doon ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto at fiancé niyang si Nonrev Daquina.

Kuwento ni Angeline nang maka-lunch namin siya kahapon, bago mag-9:00 p.m. sila nagpunta ng tatay ng anak niyang si Baby Sylvio.

Hanggang sa may bandang Recto lang daw ang sasakyan nila at mula roon ay naglakad na papunta ng Quiapo church. “Sanay na naman sa akin ang mga tao roon. Yearly naman, nagpupunta talaga ako. Panata ko na ‘yon, Kuya Jun,” sey ni Angeline at ikinuwentong eight years old pa lang siya nang umpisahan ang panata sa Traslacion.

Masaya nga raw siya at nakapunta pa rin siya noong Monday sa Quiapo church. “Hindi naman ganoon kahirap. May mga kaibigan din kami na sumama. Saka oras-oras naman kasi, may misa,” sey pa ni Angeline.

Kasama rin namin sa lunch kahapon si Annabelle Rama, kaya sinabihan nito si Angeline na dapat ay magpunta rin sa Cebu ngayong weekend para naman sa Sinulog at magsimba sa Sto. Niño church doon. “Tita, nakapag-Sinulog na rin po ako. This weekend lang, pupunta nga sana ako, pero kailangan ko ring umuwi ng Maynila ng Sunday morning dahil may work po ako.

“Pero kapag nasa Cebu naman po ako, nagsisimba ako sa Sto. Niño church,” sey ni Angeline.

Anyway, sa chikahan pa rin namin nina Angeline, naikuwento niyang inihatid siya ni Nonrev, pero umalis din daw kaagad dahil may kailangang puntahan.

“ Minsan, isasama ko siya,” sey niya at nabanggit ko nga na hirap akong tandaan ang pangalan ng kanyang fiancé. “Hindi nga normal ‘yung name ni Nonrev, pero kaya ganoon ‘yon, binaligtad na pangalan ng tatay niya. Vernon kasi ang tatay niya,” chika pa ni Angeline tungkol sa tatay ni Baby Sylvio.

Annabelle, sumusunod sa color of the year

Naka-all pink naman si Tita Annabelle sa lunch namin.

Pinansin ‘yon ng London-based friend niyang si Jay Alexander Tseng.

“Pink na pink ka, Tita,” sey ni Jay at ang sagot naman ni Bisaya, “Color of the year!”

Tita, ‘di ba magenta ang color of the year at hindi naman pink?

“Talaga? Sabi kasi ng kaibigan ko, pink daw,” depensa niya.

 Tita, baka nahirapan lang ang friend mo na tandaan ‘yung magenta, kaya ginawa niyang pink ang color of the year?  

“Ay, baka nga,” natatawang dialogue ni Bisaya.

Si, Tita Annabelle talaga, cha­racter!

‘Yun na!

Show comments