‘I just live every day like it’s my last’.
“Personal life? I don’t know. You know... ang hirap...‘yung plan nang plan. You just live every day. I just live every day like it’s my last. Kasi isa ‘yan sa mga natutunan natin during the pandemic. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari bukas. Just live every day,” paliwanag ni Gerald Anderson nang tanungin namin tungkol sa kanyang mga plan for 2023.
Nakausap namin ang aktor sa presscon ng pelikulang Unravel na pinagbibidahan nila ni Kylie Padilla na may kakaibang istorya tungkol sa practice of assisted voluntary death na legal na gawain sa ilang bansa sa Europa sa direksyon ni RC delos Reyes.
Exciting / interesting ang trailer lalo na at sa ilang bansa sa Europe sila nag-shooting.
Ang tanong sana namin ay kung may wedding plan ba sila ni Julia Barretto this year.
Anyway, pagdating sa career, gusto namang gumawa ng something different ng aktor.
“Sa show business naman is to do more roles katulad nito. Do something different para you know syempre sa 16 years ko rin sa industriya medyo may mga roles na redundant na, nagawa ko na so it’s really a challenge kung paano.
“And meron na tayong audience eh so medyo alam mo ‘yun nakaabang so you always want to give them something different. Mas exciting role sana,” sagot niya.
Pero ayaw niyang sabihing choosy siya sa role?
“Pangit kasi ‘yung word na choosy but careful yeah because meron na tayong kini-cater na audience eh so gusto ko kung pelikula man ‘yan, for two hours talagang nakatutok sila, interested sila at sulit ‘yung oras kasi ‘yung dalawang oras na ‘yun hindi na mababalik ‘yun eh sa buhay nila so gusto mo quality ‘yung napapanood.”
Tungkol naman sa dream role, aniya lahat ng ginagawa niya ay tinuturing niyang dream role. “Alam mo tulad niyan as a dream role ‘yung itong sa Unravel ‘di ba, ahhh lahat ng roles na nagampanan ko sa moment ng buhay ko dream role ko ‘yan eh. Wala naman akong role na parang ‘pag nagawa ko na ‘to kasi what if magawa ko na ‘yung pinaka-dream role ko, wala na siguro akong motivation or wala na akong gana after ‘di ba. So every role I do ‘pag napanood n’yo ‘pag nakita n’yo na-attach ‘yung pangalan ko sa isang pelikula or isang proyekto ‘yun ‘yung dream role at that moment of my life,” paliwanag niya.
Pagdating sa TV, relax-relax muna siya. “I will see. Itong mga last two years medyo marami na tayong project sa TV eh. Medyo sunud-sunod. It will be a challenge to do another one pero sa ngayon wala pa naman relax lang muna.”
At mas na-appreciate ni Gerald ang mga pinaghirapan niya ng 16 years.
“Believe mo doon pa lang sa dalawang ‘yan punung-puno na ang araw ko at creativity ko because business is very hard. Mas na-appreciate ko ‘yung pinaghirapan ko for the last 16 years sa industriya. Not saying na naging madali siya pero alam mo ‘yun mas na-appreciate ko lang kasi ang hirap talaga magsimula ng isang bagay from nothing,” patungkol sa kanyang trabaho at negosyo.
Kumusta ang Pasko at New Year?
“Masaya dito lang. Naenjoy ko ‘yung walang traffic. Dito lang new year dito rin, Pasko dito lang din. It was very heartwarming moments kasama ko ‘yung family nila Julia and Dad ko.”