Amazing earth ni Dingdong, nagkaroon ng relaunch
Nagkaroon ng ‘relaunch’ last Saturday ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang kanyang high-rating infotainment show na Amazing Earth na nagkuwento / magkukuwento ng mga kamangha-manghang pakikipagsapalaran at mga nakaka-inspire sa mga bagong episode nito.
Sa nasabing relaunch, hindi lang ipapakita ni Dingdong ang pambihirang wildlife mula sa buong mundo kundi dadalhin rin niya ang mga manonood sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas –from its natural formations and all types of terrains to its fascinating flora and fauna.
Last Saturday, sa bago nitong timeslot, itinampok ng Amazing Earth ang special episodes across the nation and around the seven continents with stories from the series Speed Kills: Ocean.
Natutuhan ng mga manonood kung paano sila tinutulungan ng anatomy ng isda na pamahalaan ang mga karagatan, na humahantong sa pagiging epektibo sa kaligtasan ng pananatili sa mga isda. Na-discover din ang families of Cape Fur seals na magkasamang maglaro at mag-bonding.
Samantala, tinanggap ng celebrity guest at Gen Z member na si Bianca Umali ang Amazing Mission mula kay Dingdong para hanapin ang hidden gem ng Batangas—Tagbakin Lakeview— nang hindi gumagamit ng internet o GPS, isang old-school map lang!
Napanood din ang exclusive interview ni Dingdong kay Mananggutay Siete, isang Pinoy na magsasaka sa Bukidnon, na gumagawa ng kape mula sa earthworms!
Tuklasin, tangkilikin, at alamin ang tungkol sa ating nag-iisang planeta sa Amazing Earth – directed by Rico Gutierrez every Saturday, 6:15 p.m., sa GMA Network.
- Latest