^

PSN Showbiz

‘Solid Alden Richards ako!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Solid Alden Richards ako!’
Lolit at Alden.
STAR/ File

Naloka ang mga kasama ko sa bahay na sina mel at Celia nang biglang dumalaw si Alden Richards sa aming bahay sa Fairview kahapon.

Alam nila na ayoko at talagang private zone ang bahay namin kahit sa mga alaga ko.

Dahil nga ever since gusto kong iwan sa labas ng bahay ang trabaho ko sa showbiz, at ‘pag nasa bahay, ‘yung private na Lolit na ang nakatira.

Pero talagang desidido sina Alden at Mama Ten (na loyal handler) na batiin ako ng Happy New Year kaya hinintay talaga nila na magising ako sa aking afternoon nap kahapon.

Kaya paggising ko, ayan si Alden.

Grabe talaga.

Ever since napakabait ni Alden at kahit hindi kami nagkikita talagang feel ko na close siya sa akin. Isang reason why I treasure him so much dahil din sa kabaitan nila ni Mama Ten.

Alden, promise sa team mo ako forever, kahit saan at anong oras, solid Alden ako.

Talagang ang masasabi ko, isang malaking example si Alden ng isang star na nagsikap talaga at naging masinop sa kanyang mga kinita kaya tingnan mo naman ang mga investment niya.

Isa rin siya sa mga star na sincere talaga sa friends niya sa showbiz. Mahal na mahal siya ng mga tao sa paligid niya dahil never niyang pinabayaan ang mga ito. Kahit fans niya inaalagaan niya kaya naman matatag siya sa ‘kinalalagyan.’

Mahal ng followers niya ang aktor at isa sa pinaka-loyal niyang follower, kaibigan si Mama Ten na talagang solid Alden kahit anong mangyari.

Tiyak ko na may malaking event sila na naiisip para maging happy ang special day ni Alden.

Wish namin laging happy si Alden, laging tahimik ang buhay niya at matagpuan ang babae na magmamahal sa kanya forever.

Kaya ngayon, hindi pa rin maka-move on ang mga kasama ko sa bahay.

Hindi nila akalain na makakapagpa-picture sila kay Alden na walang kasabay o nakikipag-unahan, hahaha. Bongga.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with