MANILA, Philippines — Binigyang-buhay nina Glydel Mercado at Cassy Legaspi ang kuwento ng isang inang nagbenta ng anak sa episode ng Magpakailanman na Sana Muling Makapiling.
Walang dudang magaling magpaiyak si Glydel kaya naman inaabangan ng viewers at netizens kung paano sasabayan ni Cassy ang award-winning actress.
Of course, with Carmina Villarroel as her mom, tiyak na humingi siya ng tip sa ina lalo na sa mga tagos-pusong eksena nila ni Glydel!
Jomari, umaasang magiging maningning ang 2023
Looking forward sa masayang 2023 ang actor-politician na si Jomari Yllana! Binasura ng QC prosecutor ang reklamong isinampa laban sa kanya ng former partner na si Joy Reyes Bernabe.
Ang mga reklamo laban kay Jom ay paglabag sa RA 9262 (VAWC) at RA 10175 (Cybercrime Libel).
Sa 10 pahinang resolution na ginawa ni Assistant City Prosecutor Victorino L. Badua, Jr., nakasaad ang, “This resolves the present complaint for violation of RA 9282 (VAWC) and violation of RA 10175 (Cybercrime Libel), claiming that she was a victim of physical, psychological and economic abuses, and libelous statements on social media.”
Si Senior Assistant City Prosecutor Rossana Morales ang nagrekomenda ng approval at si City Proseutor Vilmar M. Barcellano ang nag-apruba ng dismissal.
Kasalukuyang Parañaque City Councilor si Jomari at looking forward siya sa bright new year ngayong 2023.