^

PSN Showbiz

Donnalyn, kinabog ang pag-absuwelto sa drug case ni Remulla III

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Donnalyn, kinabog ang pag-absuwelto sa drug case ni Remulla III
Donnalyn Bartolome

Hanggang kahapon ay trending pa rin si Donnalyn Bartolome sa kanyang hanash nung New Year tungkol sa pagbabalik-trabaho.

Ang dami nang nakisakay, ang daming nagga­ling-galingan at naglabas ng kanilang pananaw sa sinabi ng sikat na vlogger.

Kaya tinagurian na siyang Queen of Toxic Positivity.

Pati si Kuya Kim Atienza ay meron ding sariling hanash, na sa totoo lang, hindi naman ito dapat palakihin pa.

Insensitive raw ang mga pahayag na ‘yun ni Donnalyn nung New Year.

Pero sa totoo lang, walang masama doon sa sinabi ni Donnalyn. Wala siyang intensyong insultuhin o i-disregard ang nararamdaman ng iba.

Kung ‘yun ang pananaw at paniniwala niya, masama na ba ‘yun?
Kahit ako ganun din ang paniniwala ko na mas magandang nagtatrabaho sa unang araw ng taon. At ‘yun ang paniniwala namin.

Mahirap man ang trabaho mo, mababa man ang sahod mo, walang intensyong kantiin ‘yun ni Donnalyn, dahil lang sa paniniwala niya.

Hindi perfect ang mundo! May mga pagkakamali sa mga nasabi, may mga insensitive rin naman talaga sa mga sinasabi nila.

‘Yun ang buhay natin! Hindi naman lahat na nakikita at nababasa mo ay naaayon sa kagustuhan mo.

Hanggang kahapon ay masaya pa ring pinag-uusapan sa Twitter, at nakakatawa na ang komento ng iba.

Kamakalawa ng gabi ay nag-post na si Donnalyn sa kanyang Facebook account.

Mahaba ang paliwanag nito ng mga hirap na pinagdaanan niya nung maliit pa siya. Ipinagmalaki niya ang kanyang lolo na isang janitor na nakapagtapos ng tatlong anak sa ganung trabaho.

Naranasan daw niya ang lahat na hirap, magdasal na may makain bukas at may pambayad sa tuition, pero hindi raw siya nagrereklamo at hindi raw niya ‘yun dapat na i-share pa.

“Dinala ko hanggang sa paglaki ko. I clinged to it. Kaya when it was time for me to work, nung tinuruan akong tumayo sa sarili kong paa nang walang tulong, ‘pag may struggles, ang hirap magreklamo. Nahihiya ako sa pinanggalingan ng lolo ko, ng mommy ko… ng dad ko.

“Hindi ko pinagsisihan na kinapitan ko ‘yun. It’s what got me to where I am,” bahagi ng mahabang hanash ni Donnalyn sa kanyang Fecbook account.

Sa bandang huli ng kanyang FB post, nag-sorry na rin si Donnalyn na mali lang ang choice of words niya.

Pero sana pansinin ng mga magagaling na nagku-comment ang totoong isyu ng bansa. Bakit hindi kaya nila i-share ang magaganda nilang pananaw sa pagkaabsuwelto ng Las Piñas Regional Trial Court sa Illegal Drug Possession case na isinampa laban kay Juanito Jose Remulla III?

Nag-trending din ito kahapon, pero mas pinag-uusapan pa rin itong kay Donnalyn Bartolome.

Noli, mukha ng tv...

Sa Lunes, Jan. 9, raw ay babalik na sa TV Patrol ng Kapamilya network si Kabayan Noli de Castro.

Bilang isang deboto ng Mahal na Poong Nazareno, ito ang iku-cover niya para sa naturang news program.

Dapat naman talagang pabalikin na si Kabayan, dahil siya naman talaga ang mukha ng TV Patrol.

DONNALYN BARTOLOME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with