Mariel at Vina, ginisa si Robin!

Mariel Rodriguez

Chika tungkol sa M.O.Ms. (Mhies On a Mission) hosts na sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez-Padilla at Ciara Sotto muna tayo.

Unahin natin si Ruffa na sad mode kahapon dahil lumipad na pabalik ng Los Angeles, California ang panganay niyang si Lorin.  Naghatid si Ruffa sa airport at kaloka na hindi niya na-check na sa NAIA Terminal 1 ang Philippine Airlines flight ni Lorin pa-LA, kaya sa Terminal 2 sila nagpunta. Late na nang i-remind ko si Ruffa na Terminal 1 dahil nanggaling na sila ng Terminal 2.

Siyempre, sumama rin sa paghahatid kay Lorin ang lolang si Annabelle Rama.

Palagi kong binibiro si Bisaya na favorite apo niya si Lorin at hindi naman maikakaila ‘yon dahil ang panganay ni Ruffa ang unang apo ng misis ni Eddie Gutierrez.

Pero palagi namang sinasabi ni Bisaya na favorite niya si Lorin dahil grabe kung mag-aral. Masaya si Bisaya sa grades ng apo, kaya naman marami siyang “incentives” dito.

Bongga.

Next natin si Mariel na nasa Japan pa rin kasama ang mga anak.

Sa Monday raw ang balik ni Mariel at magkakasama-sama na naman sila sa taping ng M.O.Ms. on Thursday.

Nakakaaliw ang mga sine-share na video ni Mariel sa kanyang social media accounts na kuha sa set ng kanilang new Channel 2 (AllTV) show.

Hanapin n’yo nga pala sa YouTube ‘yung video ng guesting ni Vina Morales kung saan napag-usapan ang first love ng singer-actress, na siyempre pa ay si Senator Robin Padilla, na mister ni Mariel.

Mukhang game na game lang si Mariel na makinig sa kuwento ni Vina. Bale si Vina ‘yung tipong nag-o-off, pero ang saya lang ng episode na ‘yon.

Anyway, sa isa pang video na shinare ng misis ni Robin, nagkukuwento siya na may nagtanong sa kanya kung ano ang fashion style niya ngayon, kung sporty o classic ba, na sabi niya kung anong kasya. Hindi rin naman ikinakaila ni Mariel na medyo lumaki nga siya, pero mukha namang hindi niya ikinai-insecure ‘yon, huh!

Si Ciara naman, nag-taping noong Thursday with Ruffa at nagmadaling pumunta sa bahay ng parents na sina Tito Sotto at Helen Gamboa dahil may pre-birthday dinner doon para sa pinsan niyang si Sharon Cuneta.

Happy nga ang Megastar dahil nakahabol daw si Ciara.

Ang saya lang tingnan ni Sharon at ng kanyang Uncle Tito at Auntie Helen, pati ng mga anak ng mag-asawa sa pre-birthday dinner na ‘yun.

Ang saya-saya nila at kahit nagkaroon pa ng tapatan noong eleksyon si Tito at ang mister ni Sharon na si Francis “Kiko” Pangilinan ay obvious naman na nakalimutan na nila ‘yon.

Siyempre, pamilya pa rin naman ang mahalaga sa lahat at alam naman ng mga sumusubaybay sa kanila na sobrang love ni Sharon ang pamilya ng kanyang Auntie Helen.

Anyway, belated happy birthday, Sharon!

‘Yun na!

Show comments