'Homophobic siya eh': Wrestler-actor Dave Bautista tinakpan Pacquiao tattoo

Litrato ng Fil-Am actor at retired pro-wrestler na si Dave Bautista (kaliwa) at dating Sen. Manny Pacquiao (kanan)
Video grab mula sa YouTube interview ng GQ; AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Ipinaliliwanag ng Filipino-American actor at ex-WWE champion na si Batista (Dave Bautista sa totoong buhay) kung bakit niya tinapalan ang ilan sa kanyang tato noon — ang isa rito, simbolo ng dating kaibigang tutol pala sa LGBT community.

Ito ang blind item na pinakawalan ni Batista sa video interview ng GQ sa YouTube, Huwebes, habang ipinakikita ng pro-wrestler-turned-movie-star ang iba't ibang mga tato sa katawan.

"I was a part of a team of a person I considered a friend. Someone I really looked up to. And then he later came out publicly with some anti-gay statements and turned out to be an extreme homophobe," paliwanag niya sa dating bulalakaw na nakalagay sa kanyang kaliwang braso.

"It’s a personal issue with me. My mom’s a lesbian and I just couldn’t call him a friend so I had it covered up with this."

 

 

Una nang sinabi ni Pacquiao, noo'y kumakandidato sa pagkasenador, na .

"Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumilala kung lalaki, lalaki, o babae, babae. O diba? Ngayon kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, eh mas masahol pa sa hayop ang tao," wika ni Manny noong 2016 nang matanong tungkol sa same-sex marriage.

Humingi ng tawad ang "Pambansang Kamao" sa mga lesbyana, bakla, bisexual at transgender community matapos niyang ikumpara ang mga nabanggit sa mga hayop. Sa kabila nito, pinaninindigan niya ang pagtutol sa LGBT relationships dahil tutol daw ito sa biblya.

Si Pacquiao ba talaga pinatatamaan?

Ang tinutukoy ni Batista sa panayam ay ang kanyang tatong bulalakaw, na siyang simbolo noon ni Pacquiao.

Makikita sa 2012 photo na ito ang kaliwang braso ni Batista, kung saan sariwang-sariwa pa ang kanyang pagpapatato.

Sa ilalim nito ay makikita ang pagpapatato ni Manny ng kaparehong bulalakaw sa kaliwa ring braso. Kilalang kaliwete si "Pacman."

 

 

Ang bulalakaw ay dating ginamit ni Pacquiao sa kanyang Nike merchandise bago siya bitawan nito.

Taong 2009 lang nang i-escort ni Batista si Pacquiao sa kanyang boxing match laban kay Ricky Hatton. Makikita sa mga larawang ito na ibinahagi ng World Wrestling Entertainment (WWE) kung paano sila nagsama ng kapwa Pilipino sa ring.

"[Pacquiao's] a fucking idiot... If anyone called my mother [who is a lesbian] an animal, I'd stick my foot up his ass," sabi ni Batista sa panayam ng TMZ patungkol sa 2016 statement ni Manny.

Matapos ang kanyang matagumpay na karera sa WWE, namamayagpag ngayon si Batista sa pag-arte sa sari-saring blockbuster movies at Netflix shows gaya na lang ng "Guardians of the Galaxy," "Glass Onion: A Knives Out Mystery," atbp.

Show comments