^

PSN Showbiz

Lotlot, close pa rin sa mga kapamilya ni Monching

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lotlot, close pa rin sa mga kapamilya ni Monching
Lotlot
STAR/ File

Matapos ang mahabang taon, muling nagsama sa isang pelikula ang estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher “Mon­ching” Gutierrez.

Ito ay sa pelikulang That Boy in the Dark starring Joaquin Domagoso.

Si Lotlot ang gumaganap sa papel na guardian ni Joaquin sa internationally acclaimed debut film nito habang si Monching naman ang ama ng karakter ng anak ni former Manila Mayor Isko Moreno.

Dating magka-loveteam sina Lotlot at Monching bago naging mag-boyfriend at tuluyang nagpakasal.

Nagkaroon sila ng apat na anak sina Janine, Jessica, Diego at Maxine.

Pero naghiwalay at napawalang-bisa ang kasal noong 2008.

March 27, 1989 sila nang ikasal. After 13 years sila ay naghiwalay na dineklara ng Quezon City Court na null and void ang kanilang kasal dahil 17 years old lang si Lotlot noong ikasal sila.

Sa ilalim ng Family Code ng bansa, 18 years old ang legal age ng pwedeng ikasal.

Common knowledge ang muling pagpapakasal ni Lotlot sa Lebanese businessman na si Fadi noong 2018.

Maraming kuwento na hindi sila in good terms ng dating asawa.

Pero itinama ito ni Lotlot sa That Boy in the Dark mediacon, “Ay, no. I mean, ito nga sister-in- law ko, o,” sabay turo sa katabing si Glydel Mercado, na guma­ganap naman bilang ina ni Joaquin sa pelikula.

“Ex, ex-sister-in-law. Ang dami kong ex! Ex-sister-in- law. Masaya! Glyds and I are like sisters. Para kaming magkapatid nito. We’ve known each other for so many years. Despite and inspite of everything that has transpired in our lives, we remain good friends and we remain family.

“I consider Ane­eza (Gutie­rrez na introdu­cing sa movie bilang misteryo­sang kababata ni Joaquin) as my niece, all her children, her two daughters and ganu’n din siya sa mga anak ko. So, pamilya tayo dito,” banggit pa ni Lotlot.

Samantala, ang That Boy in the Dark, na produced ng BMW8 Productions, ay nagbigay kay Joaquin ng tatlong best actor trophies sa iba’t ibang festivals abroad.

Una siyang tinanghal na best actor sa Toronto Film and Script Awards. Sinundan ito ng isa pang best actor trophy mula sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

Noong Christmas Day, pinarangalan din siya bilang best actor sa Boden International Film Festival (BIFF) sa Sweden.

Nagwagi rin bilang best director ang direktor nitong si Adolf Alix Jr. sa BIFF habang honorable mention naman ang suspense-thriller sa Toronto Film and Script Awards.

Bukod kina Lotlot, Monching, Glydel at Aneeza, suportado rin si Joaquin sa kanyang debut movie nina Nanding Josef at Kiko Ipapo, na introducing sa pelikula.

Ang That Boy in the Dark ay magsisimula nang mapanood sa mga sinehan nationwide sa Jan. 8. Ito bale ang unang Tagalog film na mapapanood sa mga sinehan pagkatapos ng ginaganap na Metro Manila Film Festial.

CHRISTOPHER “MON­CHING” GUTIERREZ.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->