Para kay Kim Atienza isang vocation ang kanyang trabaho.
Kasalukuyan siyang napapanood sa mga programa ng GMA Public Affairs. “Lahat ng tao binigyan ng iba’t ibang bokasyon. I’ve been on TV for 19 years. My vocation on TV is to give information in the easiest way that the kid and adults can understand,” shares the co-host of Dapat Alam Mo!
Bilang isang versatile host, triathlete, at wellness and biodiversity advocate, patuloy na hinahamon ni Kuya Kim ang kanyang sarili personally and professionally. Fondly regarded by many as a trivia man for his penchant for sharing stories behind the existence of things and phenomena, ang programang The Explorer ay nagbibigay inspirasyon sa mga manonood na huwag tumigil sa pag-aaral at pagtuklas habang nagsasaya. And for him, Tatak Public Affairs has perfected that art.
“Ito ay ang paghahayag ng impormasyon na tama sa isang paraan na nakakaaliw at malinaw na naaabot ng lahat ng strata ng lipunan. Kapag tatak Public Affairs, abot lahat. Pasok sa panlasa ng marami – mahirap, mayaman, bata, matanda – yan ang Public Affairs,” he shares.
Every story, he adds, is backed by research. “Napakalalim ng research at sinisigurado na tama ang binibigay na imporasyon pero binibigay [ito] sa isang paraan na engaging to watch, hindi siya limiting. Dito kakaiba, pero ang values na tinuturo ay angkop sa henerasyon ngayon,” he adds.
“One of the things that is difficult on TV is longevity. Maraming magagaling pero di tumatagal. Because it’s not about us. It’s about the content that I give. At ang content ng Public Affairs ay napaka masinsin, napaka pinag-aralan talaga at napaka lalim. Walang palya ika nga,” wika pa niya sa courage, wisdom, and truth in story-telling.
Ang mga kwento ng mga ordinaryong tao ay nagiging pambihira kapag ang mga ito ay nagbibigay inspirasyon sa marami.
Naniniwala rito si Susan Enrique na mahalagang sabihin ang kanilang mga kuwento nang totoo dahil sa paraang ito, ang manonood ay konektado hindi lamang sa salaysay kundi sa mga taong pinanggalingan ng kuwento.
And to connect with people is what Susan is good at, na kung tawagin ay Kumare ng Bayan. And her ability to relate to the audience is probably one of the reasons why her shows I Juander and Pera Paraan have been going strong.
“‘Yung handa kang makinig sa kuwento ng bawat taong makakausap mo at handa mong ilahad ang totoong kuwento ng mga taong nagbigay sa’yo ng pagkakataon na ilahad sayo ang kuwento nila – pribilehiyo mo yun. Kung siya ay nagbigay sayo ng tiwala isa itong pribilehiyo na nagpapataba ng puso mo bilang Public Affairs [host],” aniya.
Dalawa lang sina Kuya Kim at Kumareng Susan na may Tatak Public Affairs badge ng GMA 7.