Mga pasahero sa NAIA, matindi ang naging dusa sa unang-araw ng 2023
Naku Salve hindi halos ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa airport natin.
Flight ng anak ko at pamilya niya at pamangkin ko supposedly ng 12 ng tanghali noong January 1 pero gabi na hindi pa sila nakakalipad.
Hanggang madaling araw na nakatulugan ko na nasa airport pa rin sila. Hanggang nag-check in pa sila sa hotel matapos naglabas ng pahayag ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na nagsasabing ang isyu ay dahil sa isang teknikal na problema na naranasan ng Air Traffic Management Center ng ahensya kaya talagang libo-libo ang naapektuhan.
Kaloka naman na first day ng 2023 talagang aberya agad ang dinanas ng mga aalis at papasok ng Pilipinas. Tense ka pa naman pag paalis ka pero ayun at nagkaroon pa ng aberya sa airport.
Mabuti na lang at naka-fly na rin sila papuntang USA kahapon.
Hay naku sana naman ay huwag nang maulit ang nangyari para mas maganda ang year 2023 natin lahat.
Pero one thing na masasabi mo tungkol sa Pilipino, anuman ang dumating kaya natin at nalalagpasan kaya carry lang, basta sana mas mabuti ang wala, para everybody happy.
Buti na lang at hindi na ako nagbi-biyahe dahil nga sa pagpapa-dialysis. Hindi na ko mararanasan na maghintay sa airport.
Pero sa totoo lang na-enjoy ko naman ang pagta-travel at marami akong karanasan sa airport na hindi ko makakalimutan.
Imagine napagkamalan akong ‘terorista’ noon sa isang airport dahil may kapangalan pala akong ‘wanted’ noon.
Kaloka talaga ang eksenang ‘yun.
- Latest