Showbiz 2022, naging exciting sa mga kinasal, umbagan, nakulong at nanganak!
Maraming naghiwalay, ikinasal, nanganak, namaalam, etc. etc.
Pero tumatak sa magtatapos na taon ang hiwalayan nina ex-DILG Sec. Mel Sarmiento at Kris Aquino na nadiskubre ang kakaibang sakit at nagpapagaling pa rin sa Amerika sa kasalukuyan.
Malaking kontrobersya rin ang naging hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana matapos ang ilang buwan nilang kasal. Divorced na sila sa Amerika kung saan namamalagi si Tom habang aminado si Carla na nahirapan siyang tanggapin ang mga nangyari pero wala silang malinaw na statement kung ano talaga ang pinag-umpisahan ng kanilang paghihiwalay. Si Tom naman ay sinasabing nagpapa-therapy pa sa States.
Malaking kontrobersiya rin ang pang-uumbag ng aktor na si Kit Thompson sa girlfriend nitong sexy star na si Anna Jalandoni na ex ng isang pulitiko.
Nakulong si Kit matapos arestuhin at iligtas si Anna sa diumano’y pananakit ng aktor.
Pero nakapagpiyansa si Kit at laya na siya pero hanggang ngayon ay nasa korte pa rin ang sinampang kaso ni Anna.
Kabilang din sa mga naghiwalay sa taong 2022 sina Carlo Aquino at Trina Candaza pero kahapon ay umingay sa social media ang tungkol kina Carlo at Kapamilya young actress na si Charlie Dizon. Sa Instagram kasi ng actress ay kasama niya ang ilang kaibigan niya kasama na si Gianna Revilla na daughter ni Sen. Bong Revilla at Lani Mercado.
“Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother,” caption Charlie na binigyan ng ibang interpretation dahil sa parang intimate sina Carlo at Charlie.
Anyway, sumabog din sa social media ang hiwalayan nina Moira dela Torre and Jason Hernandez; Jake Cuenca at beauty queen-actress Kylie Verzosa pagtapos ng tatlong taong relasyon.
Ganundin sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial pagkatapos nilang gumawa ng pelikula.
Sa breakup din nauwi ang relasyon nina Jeric Gonzales and beauty queen-actress Rabiya Mateo pero balitang nagkabalikan na sila.
Maging ang singer na si JK Labajo at beauty queen-actress Maureen Wroblewitz ay bumigay rin at naghiwalay pero balitang may bagong karelasyon na si Maureen na isang mayamang Fil-American at isang medical student sa bansa na galing talaga sa maperang pamilya.
Low key naman ang naging separation ni Pokwang at American actor Lee O’Brian. Walang siraang naganap, basta naghiwalay sila at nanatiling friends kung saan meron silang isang anak.
Naging tahimik din sina Sunshine Cruz at Macky Mathay sa kapalaran ng kanilang relasyon. Pareho silang nanahimik sa nangyaring breakup na ang buong akala ng lahat ay sa kasalan mauuwi.
Kabaliktaran sa kanila ang nangyari kina Maggie Wilson ang billionaire husband na si Victor Consunji. Umabot sa korte at inabangan ng netizens ang drama sa kanilang totoong buhay lalo na nga at grabe ang mga parinigan nila.
Si Maxene Magalona rin ay hindi nagpahuli dahil kinumpirma niyang hiwalay na sila ng model na si Robby Mananquil.
Pero ang tiyak na pag-uusapan hanggang ngayong 2023 ay sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ‘yung real status ng kanilang marriage.
Isa pang malabo pa ang isyu ay kung hiwalay ba o hindi sina Rep. Sam Versoza at Rhian Ramos. May dudang hiwalay na sila pero nagkabalikan din daw agad.
Samantala, nagpakasal naman sina Vice Ganda and Ion Perez sa Las Vegas.
At ganundin si Erich Gonzales na ikinasal sa bilyonaryong si Matteo Lorenzo. Pero hindi ito naging malaking event sa showbiz dahil naging pribado ang lahat.
Ganundin sina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.
Si Glaiza de Castro ay naging misis din ngayong 2022 sa mister na foreigner.
Kinasal din ngayong taon sina Kristoffer Martin sa non-showbiz partner niyang si Celine Banzon. Ganundin si Wilma Doesnt na kinasal sa isa ring non-showbiz na si Gerick Parin.
Maging si Lucho Ayala kay Emma Rueda.
Matapos ang matagal na nagpapasama, nagpaskasal din sina Aubrey Miles and Troy Montero.
Samantala, engaged na sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza; Nathalie Hart at non-showbiz foreigner boyfriend na si Brad Robert.
Umamin din sina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa kanilang relasyon.
Maging si Maymay Entrata ay nilantad ang foreigner BF na si Aaron Haskell.
Pero pinagluksa ng showbiz ang pagkawala ng nag-iisang Movie Queen na si Susan Roces.
Ganundin ang pamamaalam ng mahusay na actress na si Cherie Gil na namatay sa New York.
Ngayong taon din namaalam ang APO Hiking Society member na si Danny Javier.
At pinakahuli ay si Jovit Baldivino sa edad na 29.
Pero kung may mga namaalam, may mga nag-hello sa mundo.
Nanganak si Jennylyn Mercado ng first baby nila ni Dennis Trillo (Dylan Jayde Ho).
Ganundin si Angeline Quinto sa kanyang baby boy na si Sylvio sa non-showbiz fiance nitong si Nonrev Daquina.
Si Winwyn Marquez ay isinilang din ang unang baby na si Luna Teresita Rayn.
Ganundin si Iya Villania sa ikaapat na anak nila ni Drew Arellano na si Astro Phoenix.
Ang komedyanang si Kitkat ay naging ganap na ina sa first baby nila ng mister niyang si Walby na si Uno Asher.
Last September naman ay si Angelica Panganiban ang nagluwal ng baby nila ng fiance na si Gregg Homan na si Amila Sabine.
This year naging parents sina Rocco Nacino at Melissa Gohing kay Baby EZ na isinilang noong October.
Humabol naman ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
At siyempre malaking balita sa 2022 ang muling pagkakulong sa komedyanteng si Vhong Navarro ng mahigit dalawang buwan sa NBI na inilipat sa Taguig bago nakalaya sa piyansang P1 million dahil sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo ilang taon na ang nakaraan.
Anyway, marami pang ibang mga pangyayari sa showbiz na naging masaya at malungkot pero very positive ang lahat dahil maraming ‘showbiz’ ngayon sa senado (Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Lito Lapid) ay matutulungan nito ang industriya ng pelikula na kumbaga ay bumangon para mas marami pang mapanood na local films at kung may pagkakataon pang magkaroon ng franchise ang ABS-CBN na hawak na ngayon ng ALLTV (Advanced Media Broadcasting System) ang frequency ng channel 2 na ngayong Bagong Taon nakatakdang mag-full blast.
- Latest