^

PSN Showbiz

Marc Cubales, maraming planong pelikula

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marc Cubales, maraming planong pelikula
Marc
STAR/ File

Maraming plano ang dating international model/entrepreneur-turned-film producer na si Marc ­Cubales sa pagpasok ng 2023.

Si Marc ang utak sa likod ng matagumpay na 2022 Cosmo Manila King and Queen bikini competition na sa susunod na taon ay balak niyang dalhin abroad sa pamamagitan ng sariling MC Productions. “I want Filipino models to penetrate the international scene kasi surely they can walk sa catwalk. Nakita ko ‘yun sa Cosmo Manila,” ani Marc sa bonggang yearend party ng MC Productions sa Le Reve Pool and Events Venue.

Maliban sa pagdadala ng Cosmo Manila 2022 sa Fashion Week sa Bangkok, Thailand, balak din niya itong dalhin sa Japan sa susunod na taon. “2022 is a beautiful year and we are looking forward for a brighter 2023 kaya if hindi magbabago ang plans, Cosmo Manila will invade Japan next year and siguradong makikilala ang Filipino models sa buong mundo,” banggit ng dati ring international model at naka-base sa London.

Bilang budding film producer naman, limang pelikula ang balak niyang gawin sa bagong taon.

Tapos na ang maiden offering niya na may titulong Finding Daddy Blake na dinirek ng batikang si Jay Altarejos.

Nasa drawing board na rin ang isang family drama na may star-studded cast at award-winning director.

Aminado si Marc na medyo challenging ang pagkuha sa mga artista at pagbuo ng proyekto dahil sa director pa lamang, award winning na, kaya may kaunti siyang takot.

Ni-request daw niya particularly sa director at sa writer ng pelikula na ibalik ang timpla ng mga dating pelikula kung saan mas lulutang at makikita ang Filipino values.

Solo production ito ni Marc para sa MC Productions at balak niya itong ipalabas sa mga sinehan at hindi sa streaming platforms lang.

Bukod sa pelikula, meron din siyang pina-planong series na gagawin para naman sa online streaming.

Sa gitna ng lahat ng planong ito ni Marc, eh, nakasuporta sa kanya 100 percent ang wife niyang si Joyce Penas Pilarsky, isang kilalang international fashion designer.

“Sobrang blessed tayo,” sabi ni Marc habang katabi si Joyce sa yearend party na ang guest performers ay pinangunahan ng grupong Aegis.

Mayroon silang isang anak.

MARC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with