Nikki hindi na ulit susubok ng IVF; Ian at Nadine, best actor at best actress sa MMFF
Deleter at nanahimik naghakot...
Maghihintay na lang si Nikki Valdez at mister niyang si Luis Garcia kung magkakaroon sila ng baby sa natural na paraan.
Hindi na ulit sila susubok ng IVF.
Dumanas ng depression ang actress matapos ang dalawang beses na IVF journey.
Kaya ngayon nag-decide sila ng mister na maghintay na lang kung bibigyan sila ng blessing na anak.
May daughter na si Nikki sa previous marriage, si Olivia, na anak na rin ng kanyang mister ang turing.
Nakausap namin si Nikki sa special preview ng pelikulang Family Matters at ito nga sinabi niya nang tanungin namin tungkol sa pagkakaroon nila ng baby.
Nauna na rin siyang nagkaroon ng miscarriage bago pa sumubok ng IVF.
Totally healed na si Nikki pero pinagpi-pray pa rin niya ‘yung path na gusto ni Lord para sa kanya.
Samantala, ginagampanan niya sa Family Matters ang character ni Ellen na mas piniling alagaan ang kanyang parents kesa mag-asawa. “Actually ang layo nung character ni Ellen sa akin. Ang only similarity niya is ngayon mag-isa na lang kasi ‘yung Mommy ko, so nasa akin na ‘yung Mommy ko, ganun. Ako ‘yung bumibili ng gamot niya. Ako lahat ang nag-aasikaso and y’ung masasabi ko lang siguro ‘yung umalis ako (kasi ‘di ba sa first marriage ko) umalis ako, nagpakasal ako and I just stayed in Canada for two years and it was really hard for me to leave my parents and my family kasi parang 28 years of your life tapos all of a sudden mag-isa ka, kailangan mong pumili dahil nga may sarili ka ng buhay ganon.
“‘Yun lang, ‘yun lang tingin ko pinaka-nakakarelate ako pero sa dynamics nung family namin ganon kami sa totoong buhay. Sa magulang pagkaano... ayaw mo ipaalam sa nanay mo. Ngayon may sariling chat group na ‘di ba mas madali nang mag-communicate ‘yung mga magkakapatid. Ayun I think we can all relate to,” mahabang paliwanag ni Nikki tungkol sa kanyang character.
Nakatutok sa kuwento ng isang pamilya na nararamdaman ng kanilang mga magulang na sila ay pabigat na sa kanilang apat na anak na may kanya-kanyang pamilya ang pelikula na isa sa walong entries na ginaganap na MMFF.
Na habang pinapanood ay mararamdaman mo na oo nga, ba’t ganun parang minsan talagang parang ang anak na ang kailangang sundin ng kanilang mga magulang.
Klarong-klaro ang message ng Family Matters kaya sulit panoorin.
Pero nakakalungkot, wala halos itong napanalunang award maliban sa sa Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
But anyway, agree ako sa apela ni producer and Pandi Mayor Enrico Roque na ibalik ang Cinema Evaluation Board (CEB).
Malaking bagay sa maliliit na producer tulad ng Cineko ang nakukuhang tax incentives pagkatapos ng 10-day showing ng kanilang mga pelikula sa MMFF.
Samantala, ang psychological thriller na Deleter ang nag-uwi ng pinakamaraming panalo sa MMFF Gabi Ng Parangal - Best Cinematography, Best Director (Mikhail Red), Best Lead Actress (Nadine Lustre), and Best Picture.
Habang ang pelikulang Nanahimik ang Gabi bagged the Best Production Design, Best Musical Score, Best Actor in Supporting Role (Mon Confiado), Best Actor (Ian Veneracion) and 3rd Best Picture.
Here’s the full list of winners:
Best Float: My Father, Myself
Best Child Performer: Shawn Niño Gabriel, My Father, Myself
Best Sound: Deleter
Best Musical Score: Greg Rodriguez III, Nanahimik Ang Gabi
Best Original Theme Song: Ang Aking Mahal, Mamasapano: Now It Can Be Told
Best Visual Effects: Deleter
Best Production Design: Nananahimik Ang Gabi
Best Editing: Nikolas Red, Deleter
Best Cinematography: Deleter
Gender Sensitivity: My Teacher
Stars of the Night: Ian Veneracion, Nadine Lustre
Marichu Vera-Perez Memorial Award: Vilma Santos-Recto
Fernando Poe Jr. Memorial Award: Mamasapano: Now It Can Be Told
2nd Best Picture: Mamasapano: Now It Can Be Told
Best Picture: Deleter
Special Jury Prize: Mamasapano: Now It Can Be Told
Wala namang nakuhang kahit anong award ang Partners in Crime at Labyu with an Accent pero may pila naman din sila sa takilya.
- Latest