Cineko Produ, wish ibalik ang Cinema Evaluation Board

Mayor Enrico Roque

Maituturing na maliit pang producers ang Cineko Productions na producer ng Family Matters at Rein Entertainment ng Nanahimik ang Gabi, pero nakikita kung gaano sila kapursigidong gumawa pa ng mga magagandang pelikula.

Nakausap nga namin si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan at ang may-ari ng Cineko Productions, sobrang natuwa raw siya sa magandang resulta ng Family Matters. “Ang daming magagandang reviews na nagustuhan nila ‘yung movie.

“’Pag binabasa ko ‘yun, sabi ko, ito na yata ‘yung katumbas ng award kapag sinasabi ng mga tao na maganda ‘yung pelikula.

“Sa rami ng mga nagawa kong pelikula, mga 10 to 12 movies na yata, pero alam mo, sobrang excitement ang naibigay sa akin ng movie na ito.

“Sabi ko nga ito, ‘yung klase ng pelikula na pinataas niya ‘yung pangalan ng Cineko. Binigyan niya ng… kasi ‘yung movie sobrang na-appreciate ng mga tao.

“’Yung hindi lang maganda na sinasabi nila, kundi pinapanood talaga ng tao.

“Malaking bagay talaga ito at sobrang na-appreciate naming mga producer,” saad ni Mayor Enrico Roque nang makapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Lunes.

Kaya lalo raw siyang na-inspire, pati na rin ang ibang producers na gumawa pa ng mas maraming pelikula, dahil nakikita naman sa ngayong filmfest na lumalabas na ang mga tao para manood ng sine.

Ang hiling din daw sana nilang maliliit na producers ay ang suporta mula sa gobyerno.

Ang isang request ni Mayor Roque: “Sana ibalik nila ‘yung Cinema Evaluation Board.

“Kasi doon ‘pag nagpapa-classify ka ng movie mo, nagi-graded A ka o B. May mga incentives e.

“Nawala ‘yun e. Ibalik na lang uli, para ma-encourage pa ang mga producers na mag-produce ng mas magagandang pelikula.”

Sa ngayon ay tuloy pa rin daw siya sa paggawa ng pelikula at hinihintay lang daw niyang may magandang project na puwedeng gawin nina direk Nuel Naval at ng nagsulat nito na si Mel del Rosario.

Basketball player na talunan sa UAAP, rumaket sa showbiz gay?!

Balik na ang kayamanan ng showbiz gay na ito pagkatapos padapain ng COVID-19 ang ilang negosyo niya.

Ngayon ay masaya na siya at may nakakapansing bongga na naman daw siya sa paggastos sa boys.

Kamakailan lang ay pinag-usapan itong si showbiz gay na namataan sa labas ng isang kilalang university na inaabangan ang paglabas ng isang kilalang basketball player doon.

Nakita raw ng mga marites nung pinik-ap ni showbiz gay itong si basketball player ng sikat na university na ‘yun.

Ang dami raw nakapansin kasi hindi raw agad nakasakay si basketball player sa kotse ni showbiz gay, dahil hindi ito nagkasya.

May halong banyaga itong si basketball player at napakalaking tao.

Hindi raw nagkasya sa upuang katabi ng driver’s seat. Kaya bumaba pa raw si showbiz gay para ayusin ‘yung upuan, hanggang sa nagkasya na si basketball player.

Sinundo ni showbiz gay itong si basketball player na hindi naman natin alam na baka friends naman sila.

Pero ang dating sa mga nakasaksi, na pick-up ni showbiz gay itong si basketball player dahil parang nangangailangan daw ito.

Hindi naman kasi nag-champion ang university nila sa nakaraang UAAP!

Show comments